in

‘Royal Blood’ at ‘TiktoClock,’ makikisaya sa Kadayawan Festival!

Magkakaroon din ng livestream ng coverage simula 7:30 AM sa GMA RTV official website

Tiyak na mas sasaya ang selebrasyon ng 38th Kadayawan Festival sa Davao City this weekend dahil dadalhin ng GMA Regional TV ang Royal Blood at TiktoClock stars para sa back-to-back Kapuso Mall Shows!

Sa Sabado (August 19), pangungunahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang Royal Blood cast sa kanilang Kapuso Mall Show sa ganap na ika-4 ng hapon sa Gaisano Grand Citygate Mall, Buhangin, Davao City. Kasama rin niya sina Lianne Valentin at Dion Ignacio.

Syempre, hindi rin magpapahuli sa paghahatid ng good vibes ang hosts ng TiktoClock na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Faith da Silva, Rabiya Mateo, at Jayson Gainza. Magkakaroon sila ng isang fun-filled Kapuso Mall Show sa Linggo (August 20), 4 ng hapon, sa Ayala Malls Abreeza, Davao City.

Pero bago ang kanilang mall show sa hapon, magbibigay-aliw muna sina Pokwang, Kuya Kim, Faith, Rabiya, at Jayson sa ‘38th Kadayawan Festival 2023: The GMA Regional TV One Mindanao Special Coverage,’ ang special coverage ng GMA Regional TV sa inaabang “Pamulak ug Hudyaka sa Kadayawan.” Mapapanood ito sa GMA TV5 Davao sa Linggo (August 20) mula 9 hanggang 11 ng umaga.

Magkakaroon din ng livestream ng coverage simula 7:30 AM sa GMA RTV official website, http://www.gmaregionaltv.com, pati sa YouTube, Facebook, at Instagram via @gmaregionaltv, at sa X via @gmartvnews.

Ano pang hinihintay ninyo, mga Kapuso? Makisaya na sa Kadayawan Festival kasama ang paborito ninyong GMA stars!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yassi Pressman, balik-Kapuso sa ‘Black Rider’

GMA Network, namimigay ng milyon-milyong papremyo