Ibang level ang dating ng Kapamilya P-pop star na si Maymay Entrata sa kanyang upcoming single na “Autodeadma” dahil makakasama niya rito ang Korean rapper-singer-songwriter na si Wooseok.
Ito ang kauna-unahang beses na nakipag-sanib pwersa si Maymay sa isang international artist. Miyembro ng sikat na South Korean multi-national boy group na Pentagon si Wooseok na binuo ng Cube Entertainment.
Tungkol ang kolaborasyon nina Maymay at Wooseok sa katotohanang laging may masasabi ang lipunan sa tagumpay ng bawat tao kaya’t mas mabuting huwag na lang itong pansinin.
Naglabas din ang ABS-CBN record label na Star Pop ng teaser ukol sa awitin kamakailan na nagsabing ang ibig-sabihin ng ‘Autodeadma’ ay awtomatikong hindi pagpansin sa mga komento at puna ng ibang tao.
Unti-unti nang nakikilala si Maymay bilang Pinoy pop soloist dahil sa kanyang nagniningning na performances. Sinusundan ng kantang “Autodeadma” ang mga empowering songs niyang “Amakabogera” at “Puede Ba”. Naging nominado rin siya sa MTV Europe Music Awards (EMA) noong 2022 bilang Best Asia Act.
Abangan ang “Autodeadma” single drop ni Maymay tampok si Wooseok sa April 28 (Biyernes) sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/mamaymayftwooseok). Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).