in

‘Dapat may kasulatan!’ Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda, hinimay ang mga isyu tungkol sa utang sa ‘CIA with BA’

Samantala ngayong Linggo, Abril 23, mga reklamong may kaugnayan sa mga isyu at abuso sa relasyon naman ang kanilang haharapin sa ‘CIA with BA.’.

Pagdating sa utang, dapat may kasulatan.

Ito ang pagninilay nina Senador Alan at Pia Cayetano at ni Boy Abunda sa isyu ng utang na kanilang dininig sa huling episode ng kanilang public service program na ‘CIA with BA.’

Dalawang kaso ng utang ang kanilang tinalakay nitong Linggo, Abril 16, kabilang ang reklamo ng dalawang babae tungkol sa kanilang kapitbahay na umaabot sa P45,000 ang utang para sa “paki” o pataya sa jueteng.

Dumulog din ang isang babae para sa ‘payong kapatid’ nina Alan at Pia kung ano ang dapat gawin matapos magpahiram ng pera sa kaibigan para sa pagpapatayo nito ng bahay. Ang problema, hindi nito itinuring na utang kundi “tulong” lamang.

“Being a non-lawyer, ang natutunan ko.. walang kinalaman sa relasyon — pamilya man, magkapatid, magpinsan — pagdating sa utang, aba’y dapat may kasulatan,” pahayag ni Abunda.

Sang-ayon naman si Senador Pia na nagbahagi rin ng kanyang natutunan mula sa nasabing episode.

“Ang daming mabubuti, mababait na tao na out of the goodness of their heart, mapagbigay, pero protect yourself, because you have to protect yourself, your family and that means nga, either idaan sa kasulatan or pag-isipan ng dalawa o tatlong beses bago maglabas ng hard-earned money,” sabi niya.

“And for those naman na nangangailangan, uutang.. panindigan naman natin ang kabaitan ng mga kaibigan o kapitbahay natin na tumulong… kahit paunti-unti, even to our hard work, magpakita tayo ng respeto,” dagdag pa ni Pia.

Para naman kay Senador Alan: “Ang keyword talaga sa akin, respeto. Lahat ng problemang legal, nandyan ‘yan, pero, it becomes much more clearer.”

Samantala ngayong Linggo, Abril 23, mga reklamong may kaugnayan sa mga isyu at abuso sa relasyon naman ang kanilang haharapin sa ‘CIA with BA.’.

Ang ‘CIA with BA,’ na unang ipinalabas noong February 5, ay ang pinakaunang public service program nina Senador Alan at Senador Pia bilang mga legal adviser sa telebisyon. Tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7, matututo ang mga manonood tungkol sa mga batas ng bansa at paano nakakaapekto ang mga ito sa pang-araw-araw nilang mga buhay.

Ipinagpapatuloy ng magkapatid na senador ang naiwang legacy ng kanilang pumanaw na ama at original na Compañero na si Senador Rene Cayetano, na namuno at nag-co-host ng popular na legal advice program na Compañero y Compañera sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mapanlinlang ang panlabas na anyo at ang mababangong salita sa pelikulang ‘Paupahan’

Amakabogera talaga! Maymay Entrata, kasama si Wooseok ng grupong Pentagon sa bagong kanta