in

Kilalanin ang limang working boys na patatawanin at paiibigin ka

Ang Working Boys 2: Choose Your Papa ay pinagbibidahan ng mga heartthrob at mga new breed of comedians na sina Mikoy Morales, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Bob Jbeili, Nikko Natividad at Wilbert Ross.

Anong mangyayari kapag nagsama-sama ang mga tamad at batugang mga binata na kailangan harapin ang hirap at realidad ng buhay? Asahan ang riot na gulo at katatawanan.

Kilalanin ang limang working boys na patatawanin at paiibigin ka. Abangan ang Working Boys 2: Choose Your Papa, showing na sa mga sinehan ngayong March 29, 2023.

Kilalanin sina Biboy (Wilbert Ross), Mccoy (Mikoy Morales), Roy (Vitto Marquez), Nikki (Nikko Natividad), at Max (Andrew Muhlach), mga certified tamad at walang direksyon kung anong gusto nilang marating sa buhay. Sa kagustuhan nila ng pagbabago, maghahanap sila ng trabaho pero mauuwi rin ito sa bulilyaso na magdadala ng mga bagong problema at ng bagong kaaway, si BJ (Bob Jbeili).

Kahit na madalas ay nagkakamali sa maraming bagay, may “never say die” attitude ang magkakaibigan at hindi magdadalawang isip na gawin ang kahit na ano para sa kaibigan at pamilya. Magtutulungan silang lima at makakaisip at makakagawa ng plano na pwedeng magbago ng buhay nila. Dito na papasok ang bagong app na maiimbenta nila – ang PAPA APPS. Ito na ba ang bagong simula at breakthrough na hinihintay nilang lahat?

Magready sa isang roller coaster ride na adventure. Samahan sila sa bawat ups, downs at saya ng buhay, at panoorin ang limang binatilyong ito na maging ganap na mga lalaki.

Ang comedy movie na ito ay base sa1985 movie na pinagbidahan ng tatlong certified pillars ng Filipino comedy industry, ang iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, ang TVJ.

Ang Working Boys 2: Choose Your Papa ay pinagbibidahan ng mga heartthrob at mga new breed of comedians na sina Mikoy Morales, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Bob Jbeili, Nikko Natividad at Wilbert Ross. Makakasama rin nila sa pelikula ang “bayani” ng Pinoy Comedy Bayani Agbayani, kasama rin sina Angela Morena, Debbie Garcia, Lea Jane, Angelic Guzman, Divine Aucina, Marissa Sanchez, and Juliana Parizcova Segovia.

Mula sa Viva Films, ang Working Boys 2: Choose Your Papa ay mula sa direksyon ni Paolo O’Hara at ang una niyang full-length mainstream movie. Samahan ang kwelang barkada at mapa- laugh out loud kasama nila. Panoorin ang Working Boys 2 sa mga sinehan ngayong March 29, 2023.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DonBelle, FranSeth, at iba pang young stars tampok sa ‘Star Magical Prom’ sa Marso 30

Atty. Marites A. Barrios-Taran, bagong hirang na Direktor Heneral ng KWF