in

Luis Manzano at Singvestigators, nagbabalik sa ikalimang season ng ‘I Can See Your Voice’

Katulad noon, gagabayan ng singvestigators ang celebrity guests sa tatlong rounds hanggang sa mapili nito ang chosen secret songer na sa tingin nila ay see-nger at makikipagduet sa kanila sa dulo ng show.

Mapupuno ng kasiyahan at katatawanan ang mga gabi ng manonood sabagong season ng pambansang mystery music game show ng bansa sa pangunguna ng host na si Luis Manzano at ang pagbabalik nina Bayani Agbayani at Long Mejia bilang singvestigators kasama sina Negi, Angeline Quinto, MC Muah, at Lassy.

Masusubukan ang galing ng APO hiking members na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo sa panghuhula kung sino ang tunay na see-nger sa unang episode sa Sabado (Marso 4),habang susubukang sungkitinng “Tawag ng Tanghalan” hurado na si Darren ang P25,000 sa paghula kung sino ang see-nger at seen-tunado sa mga secret songer sa Linggo (Marso 5).

Katulad noon, gagabayan ng singvestigators ang celebrity guests sa tatlong rounds hanggang sa mapili nito ang chosen secret songer na sa tingin nila ay see-nger at makikipagduet sa kanila sa dulo ng show.

Nakapanalo na ng 27 awards ang I Can See Your Voice at si Luis mula sa iba’t ibang award giving bodies tulad ng PMPC Star Awards for Television, Catholic Mass Media Awards, Platinum Stallion Media Awards, Educ Circle Awards at marami pang iba.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng “I Can See Your Voice” ngayong Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jason Dy, naglabas ng unang proyekto bilang bagong recording artist ng Star Music

HORI7ON, MLD Entertainment at ABS-CBN artists na!