in

Isang sexy comedy-thriller series na pinagbibidahan nina ‘Kitty K-7’ star Rose Van Ginkel at ‘Boy Bastos’ Wilbert Ross sa ‘Stalkers’ mapapanood sa Vivamax

Mapapanood na rin ang Stalkers sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.

Ano ang kayang gawin ng isang obsessed na tao kapag nagkagusto siya nang sobra? Kaya niyang itong habulin at sundan, kahit saan, kahit kalian, kahit pa mali na ito kung titignan.

Isang sexy comedy-thriller series na pinagbibidahan nina Kitty K-7 star Rose Van Ginkel at Boy Bastos Wilbert Ross ang mapapanood na sa Vivamax. Abangan ang pagdating ng STALKERS ngayong February 26, 2023.

Ang Stalkers ay kwento ng isang lalaki na may misteryosong nakaraan at kung paano mahuhulog ang loob niya nang sobra sa isang maganda at nakakaakit na babae.

Kilalanin si Harry (Wilbert Ross), IT expert sa isang BPO company. Kahit na gwapo at may itsura, madalas ay umiiwas siya sa ibang tao dahil puno siya ng insecurities at may lack of self-esteem dahil sa sakit sa balat.

Kahit na mahiyain, may tinatagong kulo ang binata dahil may matindi itong sexual perversion at madalas ay nag-iimagine at nagpapantasya sa mga babae. Minsan gumagawa rin siya ng paraan para mapalapit sa mga nagugustuhan, kahit na palihim at kahit siya lang ang nakakaalam.

Isa sa mga babae na pinagpapantasyahan ni Harry ay si Apple (Rose Van Ginkel) – sexy at nakakaakit ang ganda, masayahin at confident din si Apple, pero may ugali itong hindi madaling basahin na dahilan para mas gustuhin mong mapalapit sa kanya. Kagaya ng pangalan niya, siya ang Apple of the eye ng maraming kalalakihan, at isa si Harry sa mga ‘yon.

Ang paghanga ni Harry kay Apple ay magiging obsession at patago na niya itong susundan kahit saan magpunta. Sa madaling salita, siya ay magiging stalker ni Apple.

Hanggang kailangan mamanmanan ni Harry si Apple? Anong mga sikreto ang malalaman niya sa pagsunod sa dalaga? At kung may malaman man siya, may mababago ba sa nararamdaman niya? O lalo niyang gugustuhin na magkasama sila?

Ang Stalkers ay isang four-part Vivamax Original Series mula sa direksyon ni Easy Ferrer. Pinagbibidahan nito ng millennial heartthrob, singer at actor na si Wilbert Ross, at ng isa sa mga leading sexy actresses ng Vivamax’s na si Rose Van Ginkel. Makakasama rin nila sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Yayo Aguila, Gwen Garci, Keanna Reeves, Nico Locco, Millen Gal, Chloe Jenna, Rash Flores, Shiena Yu

Magmasid-masid, baka may nag-aabang sayo, naghihintay, nanonood, at nagpapantasya. Mag-ingat sa STALKERS – streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong February 26, 2023.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

Mapapanood na rin ang Stalkers sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan. Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mary Delle Cascabel, kauna-unahang ‘Girl on Fire’ Grand Champion

‘LUV IS: Caught In His Arms,’ may more than 400M views na sa TikTok!