Nami-miss na ng Nickelodeon star Eduard Banez ang umuwi sa Pilipinas at ang showbiz. Feeling niya ay protektado siya sa sarili niyang bansa at ligtas siya.
Kamakailan napabalitang biktima siya ng fraudulent bank at hacker. Sinabi rin niya na nakaranas siya diumano ng diskriminasyon sa United States Citizenship and Immigration Services sa pag-renew ng kanyang greencard.
Inihain umano sa kanya ang motion for deportation pero pinigil ng judge dahil US citizen ang kanyang mga magulang .Naka- schedule na umano ang pagdinig sa kaso sa July 23.
“Bakit po sila nag-file ng deportation ,eh legal po lahat ng papeles ko at green card holder ako?,” himutok ni Eduard. “ Nakapagtataka po lahat ng mga nangyayari sa akin dito, wala naman akong ginagawa” sambit pa niya.Sey niya, nakakatanggap umano siya ng tseke na hindi niya alam kung saan nanggagaling
“Nakaka-receive din po ako ng $28 sa dating pinagtatrabahuhan kong airlines, nagtataka ako dahil tinanggal na ako sa company na ‘yun. Nakakalito talaga,” hirit niya.
“Ibig sabihin talaga may nagpi-fish ng mga papeles ko dito. Systematic lahat ang mga nare-recieve kong mail ,jusko ,” tsika pa niya.
Ayon sa kuwento ni Eduard, ang kanyang mga personal application sa cellphone ay na- hack, ninakawan din umano siya $345 sa kanyang bank account. May nagdedeposito rin daw sa kanya na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
Si Eduard ay dating Star Magic batch 15 at Net 25 newscaster. Nasa America siya ngayon at naka- hold ang kanyang renewal ng greencard.
Dasal niya na maayos at malampasan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon sa Amerika.