Patuloy ang Tarsier Records artists na sina Inigo Pascual, Maki, SAB, Zion, at iba pa sa pamamayagpag sa larangan ng musika at paghahatid ng mga bagong awitin.
Umani na ng mahigit 20 milyon streams ang international album ni Inigo na “Options” noong 2022 at kasunod nito, inilunsad niya noong Biyernes (Ene. 20) ang reimagined version ng album na “Lockdown Sessions” na naglalaman ng acoustic version ng kanyang mga awitin tulad ng “Options,” “Neverland,” at key track na “Not Him.”
Binigyan naman ng R&B twist ni Maki ang viral hit na “Gusto Ko Nang Bumitaw” at umabot na nga sa kalahating milyon ang streams ng kanta bago magtapos ang taon habang umani na ng mahigit sa 300,000 streams ang acoustic EP ni Zion Aguirre na “Bigkas.”
Pumalo na rin sa mahigit 130,000 views ang music video ng “Cuz of You (COY),” ang kolaborasyon ng Pinoy soul icon na si Kyla at “Marry Your Daughter” hitmaker na si Brian McKnight Jr. Nag-trending din ito sa Twitter sa loob ng 24 oras. Tampok sa video ang Kapamilya stars na sina Anji Salvacion at Brent Manalo.
Si Marina Summers naman ang unang drag queen na naging bahagi ng Tarsier Records family. Ang debut single niyang “Divine” na prinodyus ni Moophs ay umani agad ng 10,000 Spotify streams wala pang isang araw ang lumipas. Patuloy rin ang label sa pagpapalaganap ng drag pop music sa bansa kasabay ng pagpapakilala nito sa isa pang drag queen na si Viñas Deluxe.
Patuloy rin ang Tarsier Records sa pagprodyus ng bagong musika ngayong taon at kasama rito ang rap track na “icy” nina Dotty at Malli na tungkol sa pagprotekta ng self-esteem mula sa mga negatibong tao. Mapapanood na rin ang music video nito sa YouTube.
Inilabas naman ni SAB noong Biyernes (Ene. 20) ang music video ng “Happy You Stayed” na pumalo na sa 73,000 views sa YouTube. Tampok sa video ang kanyang mga kaibigan na sina Kaori Oinuma at Shanaia Gomez.
Pakinggan ang musikang hatid nina Inigo, Zion, Maki, Kyla, Brian, Marina, Sab, Dotty, at Malli sa iba’t ibang music platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.