in

ABS-CBN, ipinakita ang mga Bagong Palabas ngayong 2023

Panoorin ang mga highlight ng two-part ABS-CBN Christmas Special sa ABS-CBN Entertainment website, Facebook at YouTube account, at iWantTFC.

Patuloy ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023 noong Linggo (Disyembre 18) sa trending na “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: ABS-CBN Christmas Special 2022.”

Ipinasilip ng kumpanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth Fedelin, “FPJ’s Batang Quiapo” nina Coco Martin at Lovi Poe, “Linlang,” ang pagbabalik telebisyon ni Diamond Star Maricel Soriano, ang unang teleserye ng DonBelle na “Can’t Buy Me Love,” ang “Drag You And Me” na pangungunahan ni Andrea Brillantes, at ang iWantTFC youth series na “Teen Clash” nina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza.

Magbabalik rin ang hit reality singing contest na “The Voice Kids” para sa bagong season nito kasama si coach Bamboo at mga bagong coach na sina KZ Tandingan at Martin Nievera. May bagong season rin ang “I Can See Your Voice” kasama si Luis Manzano bilang host.

Ipagdiriwang din ng ABS-CBN ang ika-60 taon sa industriya ni Star for all Seasons Vilma Santos sa pamamagitan ng mga espesyal at eksklusibong palabas kabilang na ang one-on-one interview nito kasama si Boy Abunda.

Patuloy ang kasiyahan dahil nakatakda ring ipalabas ang Miss Universe 2023, live mula sa Estados Unidos, sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa Enero 15.

Handog rin ng ABS-CBN Films ang isang bagong pelikula na “Love on a Budget,” kung saan bibida sina Carlo Aquino at Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon, habang ang pinakaaabangang international series na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan ni Arjo Atayde ay mapapanood na rin sa 2023.

Nagpahayag ng kasiyahan ang netizens para sa mga bagong palabas at proyekto. Dahil rito, nanguna ang hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial2022 sa mga trending topics ng Twitter noong Sabado at Linggo.

Pinuri ng netizen na si CM Tayor Pahang III ang ABS-CBN dahil sa iba’t ibang handog nito. “Talaga bang wala kayong franchise? Hehehehe… Dami ng show ah. The best. Kapamilya Forever,” komento niya.

Sabik na rin ang isa pang netizen na si Kim Co sa bagong shows ng ABS-CBN. Aniya, “As a #KapamilyaForever, nae-excite ako sa lahat pero inaabangan ko talaga in the 1st quarter of the upcoming year is yung Dirty Linen. I’m sure that a lot of people will find this interesting. Can’t wait!!!”

Panoorin ang mga highlight ng two-part ABS-CBN Christmas Special sa ABS-CBN Entertainment website, Facebook at YouTube account, at iWantTFC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Beautederm pararangalan na Best Beauty Products Company of the Year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022

Miss Universe, mapapanood nang live sa iba’t-ibang ABS-CBN platforms