in

Aguila Entertainment, mas bobongga sa 2023

Nilinaw ni Tita Becky na hindi pa naman siya fully magre-retire.

Kasabay ng pagbabago ng industriya ng showbiz ay nakatakda na ring mag-evolve ang talent agency ng veteran celebrity manager na si Becky Aguila sa pamumuno ng kanyang anak na si Katrina Aguila.

Simula ngayon, tatawagin ng Aguila Entertainment ang ahensyang mag-isang tinaguyod ni Tita Becky mahigit 20 taon na ang nakakalipas. Hindi na lamang ito isang talent agency kung hindi bukas na rin ito para sa PR at marketing services pati na rin digital content creation.

“Sobrang nag-iba na ang landscape ng showbiz and syempre we want to adapt and continue the legacy of my mom na isa talaga sa kumbaga OG na talent managers. Aside from growing our stable of artists, we also want to expand our services to explore other business opportunities for the agency,” sabi ni Katrina.

Dating child actress si Katrina at kakambal nito na si Bianca. Bagamat parehong artistahin ay mas pinili nila ang normal na buhay at nag-aral hanggang makatapos. Si Bianca ay nag-pursue ng kanyang karera bilang nurse practitioner sa US at isa ring ngayong multilingual professional sky at scuba diver, habang si Kat naman ang nanatili para pamahalaan ang talent agency ng kanyang ina.

Graduate ng cum laude sa kursong BS Psychology sa University of Santo Tomas si Katrina at may masters degree pa sa Ateneo De Manila University. Dala ni Kat ang mahigit 15 taon ng experience ng pagiging isang talent manager at responsable para sa paglago ng karera nina Jennylyn Mercado, Empress Schuck, at Andrea Brillantes.

Dagdag pa ni Tita Becky, makakasama rin ni Katrina sa lalo pang pagpapalaki ng Aguila Entertainment ang kanilang bagong general manager at former ABS-CBN PR Head na si Jan Enriquez.

Si Jan ay nagtapos ng kursong AB Journalism sa University of Santo Tomas may dalang 15 taon ng experience sa larangan ng PR at marketing. Mahigit sampung taon sya naging isang Kapamilya at nanungkulan din bilang Content Head ng streaming platform na POPTV.

Nilinaw ni Tita Becky na hindi pa naman siya fully magre-retire.

“I will still be here of course and work hand-in-hand with Katrina and Jan. I will still be the mommy-ger to my artists and to the clients I have worked with for the past years,” sabi ni Tita Becky.

Sa ngayon, kabilang sa listahan ng mga alaga ng Aguila Entertainment ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, Gen Z Queen na si Andrea Brillantes, teleserye queen na si Beauty Gonzalez, at mpress of drama na si Empress Schuck. Kasama rin sina Valerie Concepcion, Sheena Halili, Stephanie Sol, Karel Marquez, Dianne Medina, Angelic Guzman, Bianca Rufino, Nikko Natividad, Jon Lucas, Mikoy Morales, Nico Antonio, Alex Medina, Neil Coleta, Mart Escudero, at Phytos Ramirez.

For artist inquiries, i-email lang ang [email protected]. Maari rin i-follow ang @aguilaartists sa Instagram, Twitter, at Facebook.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Richard Gutierrez, bibida sa unang pagkakataon sa bigating aksyon serye na ‘Iron Heart’

Music video ng ‘Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa’ Christmas ID ng ABS-CBN, nagpaligaya sa netizens