in

Richard Gutierrez, bibida sa unang pagkakataon sa bigating aksyon serye na ‘Iron Heart’

Ayon kay Richard, isang makabagong approach ng paggawa ng action series ang dapat abangan ng viewers sa programang pinangungunahan nina Direk Lester Pimentel Ong at Richard Ibasco Arellano.

Pasabog na aksyon serye ang pagbibidahan sa unang pagkakataon ni Richard Gutierrez bilang Kapamilya sa bagong programa ng ABS-CBN Entertainment na “Iron Heart” na magsisimula sa darating na Lunes (Nobyembre 14).

Makikilala rito si Apollo (Richard), isang taong may pambihirang lakas na pipiliing ibuhos ang kanyang panahon para sa misyong pabagsakin ang isang malaking sindikato. Alamin ang mga sikretong kanyang malalaman tungkol sa sarili pati na rin ang kanyang iba pa niyang koneksyon sa kanyang misyon.

Ayon kay Richard, isang makabagong approach ng paggawa ng action series ang dapat abangan ng viewers sa programang pinangungunahan nina Direk Lester Pimentel Ong at Richard Ibasco Arellano.

“We wanted to do more hand-to-hand combat. A more modern approach in terms of cinematography. We wanted to show something different in terms of action. Matagal na akong hindi napapanood gumawa ng aksyon na ganito,” sabi niya.

Dalawang babae ang iibig sa kanyang karakter bilang Apollo. Isa na rito si Maja Salvador na nagbabalik-Kapamilya sa serye para sa isang espesyal na role.

“Hindi siya bago sakin pero sobrang importanteng ito because it’s ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story. Madali lang ako napapayag,” saad niya.

Samantala matapos naman ang success ng “The Broken Marriage Vow” kung saan tumatak ang pagganap niya bilang Lexy Lucero, sinabi ni Sue na asahang mas daring ang kanyang karakter dito.

“I think masu-surpass nito ang pagiging daring ko sa last role ko. Not only the outfits as seen in the trailer but ibang iba yung character. Iba yung upbringing,” ani Sue.

Bukod naman sa intense action at all-star cast, isa rin sa dapat abangan sa serye ang pagbibida nito sa kagandahan ng Cebu kung saan gagawin ang buong serye.

Paliwanag ng creative head ng palabas na si Jay Fernando, “If they are the best characters or players of this game, Cebu is the best playground to do this show. You have the pristine beaches, the longest bridge, and high-rise buildings in one town.”

Mapapanood din sa seryeng hatid ng Star Creatives ng ABS-CBN sina Jake Cuenca, Albert Martinez, Dimples Romana, Pepe Herrera, Baron Geisler, Sofia Andres, Kyle Echarri, Diether Ocampo, Enzo Pineda, Althea Ruedas, Meryll Soriano at marami pang iba.

Huwag palampasin ang premiere ng palabas simula Nobyembre 14 (Lunes), 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sparkle GMA Artist Center, all set na sa kanilang biggest Fans Day!

Aguila Entertainment, mas bobongga sa 2023