in

Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman, Ruby Ruiz, at Maricel Soriano, bida sa bagong serye ng ABS-CBN na ‘Linlang’

Ang “Linlang” ay sa ilalim ng direksyon nina Jojo Saguin at Manny Palo.

Bibida sina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM De Guzman, premyadong aktres na si Ruby Ruiz, at ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Linlang.”

Sa isang teaser na inilabas ngayong Biyernes (Oktubre 21), iikot ang kwento sa pagtataksil at panloloko na siguradong panggigigilan ng mga manonood.

Kasama sa star-studded cast sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Anji Salvacion, at Kice.

Ibinahagi ni Maricel ang kanyang excitement sa pagganap sa kanyang karakter at sa kapanapanabik na kwento para sa magsisilbing comeback TV series niya.

“Excited din ako. Ang gagawin ko ‘yung isang way, hindi ‘yung the normal way,” ani Maricel.

Nagpatikim din si Paulo sa kwento at sabi niya, “Sa isang relasyon, ‘di kadalasan isang side lang lagi ‘yung nagkakamali.”

Excited na rin si Kim na harapin ang bagong challenge sa paggawa ng isang magandang kwento at sabi niya, “we’re up for the challenge. Sobrang iba talaga, ibang-iba and it needs a lot of hard work.”

Ang “Linlang” ay sa ilalim ng direksyon nina Jojo Saguin at Manny Palo. Ayon kay Direk Jojo, isa itong ‘one-of-a-kind series.’ “Heavily researched. First time sa lahat ng TV series sa buong Pilipinas,” saad niya.

Abangan ang “Linlang” ngayong 2023.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Content creators/real-life doctors, mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’

Mga teleserye ni Erich Gonzales, namamayagpag sa Africa at French Territories