in ,

‘Maria Clara at Ibarra,’ winner sa TV ratings at trending online!

Umpisa pa lang ‘yan pero marami na talagang nakatutok sa paglalakbay ni Klay sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal!

Hindi maikakailang hooked na hooked na ang buong sambayanan sa GMA historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’.

Patunay rito ang mataas ang ratings gabi-gabi ng seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, at Dennis Trillo bilang Ibarra.

Consistent trending topic din ang serye noong pilot week at kabi-kabilang positive reviews and feedback ang natatanggap nito mula sa viewers at netizens.

Last week ay nag-trending sa Twitter ang Maria Clara at Ibarra for five consecutive nights! Nakakuha ng libu-libong tweets ang mga hashtag na #MCIAngSimula, #MCINoliYarn, #MCITinola, #MCIKlayMeetsIbarra, at #MCIAngKaaway. Puro positive comments din ang natatanggap ng naturang primetime series mula sa netizens.

Mas lalo pang naantig ang viewers matapos mag-viral sa social media ang post ng isang guro kung saan makikitang nakatutok ang kanyang Grade 3 students sa isang episode ng Maria Clara at Ibarra. Ayon kay Teacher Charlaine Alyssa Sese, “Although wala pa silang Noli Me Tangere, kahit papano nagkaka-idea na sila. Ang dami nilang tanong about sa past. Nakakatuwa lang po kasi seryoso silang nanonood, talagang interested sila.”

Umpisa pa lang ‘yan pero marami na talagang nakatutok sa paglalakbay ni Klay sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal! Sama-sama nating subaybayan ang past with a twist sa ‘Maria Clara at Ibarra’, mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bianca Umali, dinumog sa Aklan!

Kelvin Miranda at Kate Valdez, bagong tambalan na aabangan sa ‘Unica Hija’