in

World premiere ng ‘Start-Up PH,’ inaabangan na sa September 26!

Tutukan ang Start-Up PH simula sa September 26, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Humanda na sa much-awaited world premiere ng Pinoy remake ng sikat na K-Drama – ang ‘Start-Up PH’ na mapapanood sa GMA-7 sa darating na September 26!

Pinagbibidahan ito nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards bilang Tristan a.k.a. Good Boy at ang isa sa mga showbiz icons ng Pilipinas na si Bea Alonzo bilang Dani para sa kanyang first-ever Kapuso series. Makakasama rin nila sa programa sina Yasmien Kurdi bilang Ina at Jeric Gonzales bilang Dave at marami pang iba!

Nito lamang September 16 ay inilabas na ang official trailer ng Start-Up PH na agad umani ng papuri online. Komento ng ilang netizens sa Facebook page ng GMA Network, “Kuhang kuha ‘yung original. Ang ganda pati mga character, bagay na bagay! Parang nanonood ka rin ng Kdrama ang husay nila!”

Marami na ring fans ang nag-aabang sa heartwarming na kwento ng show, “Very familiar kami sa story and the inspiring life lessons it imparted na sobrang relevant talaga. And finally makikita na namin ang matagal na naming hinihintay, ang team up nila Alden at Bea!”

Tutukan ang Start-Up PH simula sa September 26, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Finale week ng ‘The Fake Life,’ dapat tutukan!

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, may baby na sa ‘Hoy, Love You Season 3’ ng iWantTFC