in

Maymay Entrata, handa ng ipakita ang pagiging amakabogera sa ‘Slay’

Bago niya nahanap ang pagmamahal at kumpiyansa sa sarili, inamin ni Maymay na nagkaroon ng punto sa buhay niya na pinilit niyang sundin ang beauty standards na sinasabi ng ibang tao.

Handa na nga ipakita ni Maymay Entrata ang kanyang kagandahan at pagiging amakabogera niya bilang cover girl ng digital video magazine ng Star Magic na “Slay” ngayong Agosto.

“Ang pagiging amakabogera ay hindi lang yung sa nakikita natin physically. Nagba-base ito sa katauhan natin. Natural naman lumalabas ang pagiging confident mo kapag fully accepted mo kung sino ka. Kasi the more mo ina-accept yung sarili mong ganda ay nawawala na rin yung insecurities mo,” saad niya.

Bago niya nahanap ang pagmamahal at kumpiyansa sa sarili, inamin ni Maymay na nagkaroon ng punto sa buhay niya na pinilit niyang sundin ang beauty standards na sinasabi ng ibang tao.

“Marami akong insecurities dati. Umabot sa point na ginawa ko lahat kung ano po yung sinasabi nilang standard of beauty. Nag-explore ako ng iba’t ibang characters na kala ko ako pero hindi pala. May nagsabi sa akin na hindi ako maganda, malaki bunganga ko, payat payat ko, at hindi marunong manamit. Finorce ko yung self ko maging iba hanggang sa napagod ako at hindi ako masaya,” pagbabahagi niya.

Ngunit nagbago iyon nang piliin niyang hanapin ang approval ng Diyos. May payo nga siya para sa mga taong kulang sa lakas ng loob at confidence na ipakita ang kanilang tinataglay na kagandahan.

“Siguro ang maa-advise ko ay maging strong and choose God’s approval and hindi po approval ng iba. In God’s approval mararamdaman mo yung peace pero kapag people’s approval hindi ka talaga masa-satisfy. Magbibigay lang siya ng disappointment,” dagdag niya.

Iba rin ang kahulugan ni Maymay sa salitang “sexy.” Aniya, ” Kapag masaya ako feeling ko sexy ako. Kapag palagi akong nakangiti tingin ko ang ganda ko.”

Sa ngayon, may higit isang milyon views na ang teaser reveal nito.

Malapit nang mapanood sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment ang susunod na isyu ng “Slay” tampok si Maymay na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-anim na taon niya sa industriya ngayong Agosto. Abangan din ang mga susunod pang announcement kung sino ang makakasama niya sa digital video magazine.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Mars Ravelo’s Darna’: Makabagong kwento ng iconic Pinay Superhero, mapapanood na simula Agosto 15

Finale ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ winasak ang YouTube record, trending