in

Karla Estrada, nagpaalam, nagpapasalamat sa ‘Magandang Buhay’ at kina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros

“Naging mabigat ang desisyon (pero) mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa,” pagbabahagi niya.

Punong-puno ng pasasalamat si Karla Estrada sa “Magandang Buhay” at sa kapwa niyang momshies na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa limang taon nilang pagsasama sa farewell episode niya sa programa nitong Biyernes (Hulyo 22).

“Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking ‘Magandang Buhay.’ Thank you Momshie Jols and Momshie Mels dahil sa journey natin na may pare-pareho tayonghinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip niyo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko,”saad niya.

Sa umpisa ng programa ay hindi napigilan ni Karla na yakapin ng mahigpit ang dalawa lalo pa at ito rin ang naging reunion nilang tatlo matapos ang isang taon. Saad din ni Karla sa kanyang Instagram post bago umere ang episode na hindi naging madali ang kanyang desisyon na pag-iwan sa palabas at tahakin ang bagong karera bilang public servant.

“Naging mabigat ang desisyon (pero) mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa,” pagbabahagi niya.

Todo suporta naman sina Jolina at Melai sa bagong karera ni Karla lalo pa at alam nilang iyon ang matagal ng hangarin ng kaibigan.

Ani ni Jolina, “Very, very happy kami Momshie Karls kasi mula umpisa ito na yung kwinento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo. Isinasabuhay mo yung pagtulong. Hindi na yun pwede tanggalin sa iyo at hindi na yun mananakaw. Very proud kami sa iyo na nagagawa mo ito freely and very happy kami kasi nandito ka na sa mundong gusto mo.”

Dagdag ni Melai, “Ito kasi yung gusto niya yung makatulong sa iba hindi lang dito sa ‘Magandang Buhay’ kundi sa labas pa. Kami dito sa Magandang Buhay, kaibigan mo kami dito. Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo.”

Bago pa man ang madamdamin nilang pamamaalam sa isa’t isa, inalala rin ng tatlo ang mga pinagsamahan nila sa nagdaang mga taon.

Nakasama rin nila sa programa ang mga anak ni Karla na sina Magui at Carmella Ford at ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Negi at Kaladkaren. Tulad nina Jolina at Melai, lubos din ang pagpapahayag ng mga anak at kaibigan ni Karla ng kanilang suporta sa bagong tatahakin na kabanata ng Queen Mother.

Patuloy na subaybayan ang kapupulutang aral at kwento ng momshies sa “MagandangBuhay” sa panibago nitong oras na 10 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagbabalik-’ASAP’ ni Sarah Geronimo, magaganap na ngayong Linggo

Sexy Babe mula Parañaque, wagi bilang kauna-unahang Grand Winner ng ‘Showtime Sexy Babe’