in

Pagbabalik-’ASAP’ ni Sarah Geronimo, magaganap na ngayong Linggo

Maliban dito, pakatutukan din ang ilang bigating OPM collab sa ASAP stage, tulad ng bagong pasabog na P-Pop treat mula sa BINI at BGYO, at ang senti kantahan nina Yeng Constantino, KZ, at Adie.

Ang pinakahihintay ninyong ASAP comeback ng nag-iisang Popstar Royalty sa bansa na si Sarah Geronimo, matutunghayan niyo na ngayong Linggo (Hulyo 24) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang bonggang pa-birthday at pagbabalik ni Sarah G sa “ASAP Natin ‘To,” tampok ang kanyang espesyal na solo act na sasabayan din ng pa-tribute ng New Gen Birit idols na sina Janine Berdin, Lara Maigue, Fana, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at JM Yosures kasama ang Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Maliban dito, pakatutukan din ang ilang bigating OPM collab sa ASAP stage, tulad ng bagong pasabog na P-Pop treat mula sa BINI at BGYO, at ang senti kantahan nina Yeng Constantino, KZ, at Adie.

Maki-party rin sa most played online hits kantahan at hatawan nina Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Belle Mariano, Kyle Echarri, Jeremy G, Krystal Brimner, Jameson Blake, Vivoree Esclito, Jason Dy, Bamboo, Morissette, Manoeuvres Ignite, at ng buong “ASAP Natin ‘To” family kasama sina Robi Domingo, Edward Barber, at Donny Pangilinan.

Hahataw naman sa dancefloor ang mainit-init na showdown nina Andrea Brillantes at ASAP dance royalty Kim Chiu kasama ang G-Force at Team Rapa.

Todo-bigay rin ang Christopher Cross hits kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, at Nina.

At huwag ding palampasin ang isa pang bigating musical tribute para kay Lea Salonga mula kina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, at Regine sa “The Greatest Showdown.”

Ito ang bigating comeback party na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN News, handog ang ‘SONA 2022’ Multimedia Coverage para sa sambayanang Pilipino

Karla Estrada, nagpaalam, nagpapasalamat sa ‘Magandang Buhay’ at kina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros