in

Angeline Quinto, naluha nang unang marinig ang iyak ng anak

Bukod sa touching moments niya bilang first time mom, nakakatawang ikwinento rin niya ang experience sa pagpapalit niya ng diaper sa anak.

Masayang sinalubong nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Judy Ann Santos sa momshies club si Angeline Quinto sa “Magandang Buhay” na mapapanood na tuwing 10 AM simula noong Lunes (Hulyo 18).

Ibinahagi nga ni Angeline na naiyak siya noong una niyang narinig ang iyak ng anak.”Noong nanganak kasi ako,caesarian ako,so media groggy ako. Nung pagka-gising ko,tapos naring ko ung iyak niya,naiyak din ako. Sobrang saya ko at the same time,naiyak ako kasi naalala ko si Mama Bob. I’m sure kasi masayang-masaya si mama,”sabi niya.

Para sa kanya, mas naging inspired pa raw siyang magpursige sa buhay nang dumating si Sylvio.”Simula kasi nang dumating sa buhay ko si Sylvio, mas naging inspired ako. Alam ko hindi magiging madali, pero syempre bilang nanay kakayanin ang lahat para sa anak natin,” dagdag niya.

Bukod sa touching moments niya bilang first time mom, nakakatawang ikwinento rin niya ang experience sa pagpapalit niya ng diaper sa anak. Ani ni Angeline, “Paglagay ko ng diaper ung sticker nasa harapan. Nataranta ako kasi di ba kapag umiyak ang baby either puno ang diaper or gutom. Noong pina-dede ko iyak pa rin kasi ng iyak kaya sabi ko baka puno yung diaper. Ayun napagbaligtad ko yung suot.”

Samantala, bumisita rin sa “Magandang Buhay” ang cast ng “Beach Bros” na sina Chie Filomeno, Angelica Lao, at Kira Balinger. Ibinahagi nga nila kung gaano sila kasaya at nagpapasalamat na mabigyan ng oportunidad mapasama sa bagong iWantTFC series.

Samahan nga ang level up bonding ng momshies mula Lunes hanggang Biyernes 10 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Audition video ng ‘Idol’ hopeful na si Ryssi Aliva, umani ng 3M views sa YouTube

Agot Isidro, tutulungan si Daniel Padilla sa ‘2 Good 2 Be True’