in

‘Love You Stranger,’ nakaiintriga!

Teasers pa lang ay talaga namang naiintriga na ang viewers sa upcoming Kapuso serye na “Love You Stranger” na pagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at mapapanood ngayong Hunyo sa GMA-7.

Teasers pa lang ay talaga namang naiintriga na ang viewers sa upcoming Kapuso serye na “Love You Stranger” na pagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at mapapanood ngayong Hunyo sa GMA-7.

Nauna nang napanood ang mala-shadow animation na atake na nagpapakita ng tila dark theme ng serye. Sumunod ang pasilip sa misteryo ng “Lilom” ng Sta. Castela kung saan makikita si Andrea del Rosario na tila hinila ng aninong kinatatakutan niya. Paano nga ba iikot ang kwento nina LJ (Gabbi) at Ben (Khalil) na pagtatapuin ng tadhana dahil sa misteryosong nilalang na tinatawag na Lilom?

Ang mga bida sa serye na sina Gabbi at Khalil, looking forward nang mapanood ng viewers ang first primetime series nila together.

Say ni Khalil, “We’re really excited to share with you ang kuwento na binuo ng Public Affairs na napakaganda. Maraming matututunan [sa] napakalaman na script. Mahal na mahal namin ni Gab ‘yung materyales.”

Worth it nga raw ang dalawang buwan na lock-in taping ayon kay Gabbi. “Hindi biro ‘yung two months, talagang na-test ‘yung patience namin and ‘yung love namin for our craft, which is, I think, very, very successful naman for the both of us.”

Dapat ding abangan sa serye ang mga charater nina Gil Cuerva, Kim de Leon, Lexi Angeles, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Maey Bautista, Lui Manansala, Bodji Pascua, Dindo Arroyo, Ces Quesada, Soliman Cruz, Nor Domingo, Alex Medina, at Angeli Sanoy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, ipinasilip sina Lovi Poe at Piolo Pascual sa ‘Flower of Evil’

ABS-CBN, Best TV/Digital Media Station pa rin para sa Gawad Tanglaw