in

KD Estrada, bagong image sa ‘Flex’

Isang bagong bersyon ni KD Estrada ang matutunghayan sa digital video magazine ng Star Magic na “Flex,” kung saan tampok ang Kapamilya rising star bilang kauna-unahang cover boy.

Isang bagong bersyon ni KD Estrada ang matutunghayan sa digital video magazine ng Star Magic na “Flex,” kung saan tampok ang Kapamilya rising star bilang kauna-unahang cover boy.

“Mas mature na KD na ang makikita niyo rito. Dati kasi bini-build up ako as the ‘Boy Next Door’ o ung cute na teenager. Ngayon, ready na ako maglevel-up. Hindi naman ibig sabihin ay sasabak na ako sa mas mature na role pero for sure mas marami pa akong bagong mapapakita sa viewers,” saad niya sa media conference ng “Flex.”

Nais din niyang baguhin ang tingin o konsepto ng mga tao tungkol sa pagkalalaki. Naalala rin niya kung ano ang inaasahan ng mga tao sa mga kalalakihan noong kanyang pagkabata.

“Naalala ko noong bata ako na bawal umiyak ang mga lalaki. Tinuro sa amin na ang pag-iyak ay hindi nakaka-lalaki. Hindi namin pwede ipakita yung nararamdaman namin. Dapat lagi kang maangas at ipakita mo na dominante ka. Para sa akin, hindi na dapat ganun ang tingin ng tao ngayon,” pagbabahagi niya.

“Para sa akin, ang bagong bersyon ng pagkalalaki ay yung yinayakap mo yung sarili mo bilang isang lalaki. Kahit anong identity ka pa. Mapa-bakla, straight, feminine, o masculine. Pwede kang maging kahit anong gusto mo basta wala kang sinasaktang tao. Dapat yakapin at mahalin mo ang sarili mo kahit sino ka pa,” saad niya sa media conference ng “Flex,” dagdag niya.

Makakasama naman ni KD sa “Flex” video magazine ang dating “PBB” housemates na sina Andrei King, Laziz Rustamov, at Aleck Iñigo, dating Bidaman contestant na si Wize Estabillo, at Star Magic artist Anthony Barion na maglalaban-laban sa kumu, Facebook, at KTX sa loob ng dalawang linggo. Tanging ang apat na may pinakamaraming boto ang mag-aadvance sa huling linggo at may tsansang makuha ang sariling layout sa naturang digital video magazine.

Suportahan ang limang Star Magic artists sa kanilang campaign na magsisimula sa Lunes (Mayo 16). Abangan naman ang unang isyu ng “Flex” na mapapanood sa YouTube Channel ng Star Magic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, ipinasilip sina Lovi Poe at Piolo Pascual sa ‘Flower of Evil’