in

Cesca, naglakbay sa mundo ng pag-ibig sa kanyang debut EP

Dadalhin ng baguhang singer-songwriter na si Cesca ang mga tagapakinig sa isang paglalakbay sa mga komplikasyong dala ng pag-ibig sa kanyang unang EP na pinamagatang “Travel.”

Dadalhin ng baguhang singer-songwriter na si Cesca ang mga tagapakinig sa isang paglalakbay sa mga komplikasyong dala ng pag-ibig sa kanyang unang EP na pinamagatang “Travel.”

Ayon kay Cesca, tampok sa mini-album ang iba’t ibang emosyon at karanasan na kalakip sa mga pagsubok ng pag-ibig. “It takes you on a journey from leaving your own protective bubble to taking risks, facing hurt, and eventually, returning home to comforting arms,” ani Cesca tungkol sa kanyang EP.

Naipamalas ng visual at multimedia artist na si Cesca ang galing niya sa musika sa pamamagitan ng pagsusulat at pag-compose sa lahat ng awitin sa kanyang six-track album na ipinrodyus ni Star Pop label head Rox Santos.

Kasama sa “Travel” ang mga nauna nang ilabas na single na “Lovesick (Pagmahalasakit)” at “Pambihirang Harana,” pati na ang “Her Name,” “What If,” at “Travel (Ma, Pauwi Na).” Ang key track nitong “Dahlia” ay napasama rin sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify Philippines.

Kwento ni Cesca, ang “Dahlia” ay naglalahad ng kwento ng isang love triangle mula sa pananaw ng isang babae na pinapanood ang lalaking mahal niya na piliin ang isang babae na nagngangalang Dahlia. Ipinapakita rin sa kanta ang lakas ng dalawang babae na nasaktan ngunit natuto ng mga aral mula sa sakit na naranasan nila.

Isa si Cesca sa mga bagong adisyon sa pamilya ng Star Pop. Dahil sa debut single niyang “Lovesick (Pagmahalasakit),” naging cover siya at nakuha ang top spot ng Fresh Finds playlist ng Spotify PH. Na-feature din ang kanta sa iba pang playlists gaya ng OPM Rising, EQUAL Philippines, OPM Says Chillax, Pinoy Love Ballads, Sappy & Senti, at Tatak Pinoy, at napasama rin sa OPM, Viral Hits, at Today’s Hits playlists ng Apple Music.

Pakinggan ang mga kwento ni Cesca sa debut EP niyang “Travel” sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di na bubudolin ang fans sa ‘2 Good 2 Be True’

Moira dela Torre, naglabas ng comeback single ‘Kumpas’ na theme song ng ‘2G2BT’