in

10 Presidentiables, mas kinilala sa ‘Kampanyaserye’ at ‘Harapan 2022’ special ng ABS-CBN News

Tuloy naman ang paghahanda ng ABS-CBN News para sa malawakang coverage ng “Halalan 2022” sa Mayo 9.

Bago pumili ng mga susunod na lider sa papalapit ang “Halalan 2022,” muling kilalanin at kilatisin ang sampung kandidato para sa pangulo sa “Kampanyaserye” at “Harapan 2022” special ng ABS-CBN News, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, ANC, TeleRadyo, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com, at ABS-CBN News YouTube channel.

Kasama ang mga batikang mamamahayag, sundan ang kampanya ng bawat presidentiable sa “Kampanyaserye” segment ng “TV Patrol” kung saan malapitang makikita kung paano sila bilang pribadong tao, paano sila makisalamuha sa kapwa, at ang kani-kanilang istratehiya sa panliligaw ng boto.

Kasunod ng bawat “Kampanyaserye” ang “Harapan 2022: An ABS-CBN News Special,” kung saan bubusisiin ang kwalipikasyon, plataporma, mga paninindigan, at mga isyung kinasasangkutan ng bawat nagnanais na maging presidente ng bansa.

Unang napanood noong Marso 28 sa “Kampanyaserye” at “Harapan” si Alvin Elchico na sumama sa kampanya ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cavite. Si Pia Gutierrez naman ang tumulak sa Davao kasama ang dating presidential spokesperson na si Ernesto Abella, habang si Bernadette Sembrano ang nakasama sa campaign sortie ni Sen. Panfilo Lacson sa Zambales.

Naka-panayam din ni Jeff Canoy ang dating defense secretary na si Norberto Gonzales sa kanyang headquarters, habang ipinasilip naman ni Zen Hernandez ang tipikal na umaga para kay Ka Leody De Guzman bago tumungo sa Caloocan para sa kanyang proclamation rally.

Si Karen Davila naman ang sumunod sa kampanya ni Sen. Manny Pacquiao sa Maynila at dating senador na si Bongbong Marcos sa Cavite. Samantalang si Mike Navallo ang nakasama ng doktor at abogado na si Jose Montemayor Jr., si Johnson Manabat ang naka-harapan ni presidential aspirant Faisal Mangondato, at si Henry Omaga-Diaz ang tumutok sa tinaguriang “people’s campaign” ni Vice President Leni Robredo sa Nueva Ecija.

Tuloy naman ang paghahanda ng ABS-CBN News para sa malawakang coverage ng “Halalan 2022” sa Mayo 9. Mahigit 50 organisasyon ang katuwang nito para sa paghahatid ng balita tungkol sa Halalan 2022 sa iba’t ibang platforms at siguraduhing magiging malinis, mapayapa, at tapat ang eleksyon.

Patuloy rin ang paghahatid ng balita at digital features ng ABS-CBN News Digital sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at news.abs-cbn.com. Nitong taon, napapanood na rin muli ang flagship newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol” sa free TV sa A2Z, bukod sa cable sa Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, at sa digital sa iWantTFC, ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News App, at ABS-CBN Radio Service App.

Napapanood ang Kampanyaserye sa “TV Patrol” habang ang “Harapan 2022” ay umeere ng 10:30 pm sa A2Z, TeleRadyo, ANC, news.abs-cbn.com, at Kapamilya Online Live at 10:55 pm sa Kapamilya Channel. Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Doc Jill’ Jodi Sta. Maria inindorso si ‘Tay’ Chel Diokno para senador

Maricel Soriano, bibida sa panibagong edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight