Patuloy na nagtitiwala ang mga Pilipino sa ABS-CBN at kay Vice Ganda ayon sa Reader’s Digest Trusted Brands 2022. Tulad noong 2021, tumanggap ng Gold Award ang ABS-CBN samantalang Most Trusted Entertainment/Variety Presenter naman si Vice Ganda sa ikaapat na pagkakataon.
Sa awarding noong Abril 8, nagpasalamat si ABS-CBN Trade Marketing at Partnerships head Aine Unson sa suportang tinatamo ng ABS-CBN habang ito ay dumaraan sa pagbabago. Mga konsumer ang bumoboto sa taunang Trusted Brands Awards ng Reader’s Digest, kung saan ginawaran din ang ABS-CBN ng Platinum Award mula 2016 hanggang 2020.