in

Anji Salvacion, na-speechless sa pagka-sold out ng SVIP at VIP Tickets ng unang concert

Sa mga gusto naman bumili pa ng tickets at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph.

Hindi pa rin makapaniwala si Anji Salvacion na magkakaroon siya ng sarili niyang digital concert ngayong Abril 30na may titulong, “Anji Salvacion: The Feels Concert,”na naubos agad ang SVIP at VIP ticketssa KTX.PH kamakailan lang.

“To be honest, I still can’t believe sa mga nangyayari. I felt so blessed and so overwhelmed po talaga. Totoo po talaga that dreams really do come true and I give all the glory and honor to God dahil ang lahat ng ito it’s all because of Him,” sabi ng “PBB Kumunity Season 10” celebrity housemate.

Labis din ang pasasalamat niya sa suportang nakuha niya mula sa pamilya at fans. “Speechless ako noong nalaman ko na sold-out na ang SVIP and VIP tickets. Nakakataba ng puso na andyan lagi nakasuporta ang mga sunshines, sunsets, kalumots, kaalon, magulangs at sa lahat ng fandoms ko under the umbrella ng Team Anji university!”

Sa concert, muling maipapamalas ni Anji ang angking galing sa pag-awit ng kanyang mga kanta tulad ng unang single niya na “Dalampasigan.” Kahit naman ubos na ang SVIP at VIP, available pa rin ang regular tickets sa halagang P199.

Mapapanood din ngayong Abril 23 (Sabado) ang streaming ng concert ni Gigi de Lana na “Domination: A Gigi de Lana and Gigi Vibes concert” kung saan makikita ang naging concert niya sa Resorts World Manila noong Marso at ilang performances niya sa kanyang Middle East tour.

Available ang SVIP tickets sa halagang P695 kung saan mapapanood ang concert, dokyu ni Gigi de Lana, at zoom after-party. Mayroon din VIP tickets sa presyong P495 na may dokyu na rin at concert,samantalang P195 naman ang regular tickets.

Dapat din huwag palampasin ang digital concert ng “The Broken Marriage Vow” na “The Broken Playlist” kasama ang main cast na sina Jodi Sta. Maria, Zaijian Jaranilla, Sue Ramirez, at Zanjoe Marudo pati na sina Gigi, Angeline Quinto, Kyla, FANA, Morisette Amon, at Jona sa Abril 29 (Biyernes). May kasamang live fan meet ang digital concert sa mga bibili ng VIP tickets sa halagang P499atavailable rin ang regular tickets sa presyong P199.

Sa mga gusto naman bumili pa ng tickets at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MNL48, ‘di papatinag sa 7th single na ‘No Way Man’

Mahigit 1,600 estudyante, natuto sa Pinoy Media Congress Digital Caravan ng ABS-CBN at PACE