in

GMA Pinoy TV, ready na para sa balik-live concert sa Expo 2020 Dubai

All set na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim para sa “Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai” concert nila ngayong Miyerkules, March 30, 9:00 ng gabi.

All set na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim para sa “Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai” concert nila ngayong Miyerkules, March 30, 9:00 ng gabi.

Save the best for last nga ang GMA Pinoy TV dahil gaganapin ang pinakaunang comeback concert abroad nito sa The Dubai Millennium Amphitheatre sa Dubai Expo Grounds, isang araw bago ang enggrandeng pagtatapos ng pinakamalaking Expo sa mundo.

Bukod sa world-class performances na inihahanda ng Kapuso stars, makaka-collaborate rin nila ang ilang Pinoy performing groups. Sponsored naman ng Filipino fashion designer na si Ryan Pacioles of Atelier Zuhra ang mga kasuotan nina Julie, Jessica, at Xian!

Kaya must watch talaga ang concert nila sa Dubai this March 30!

Para naman sa mga Pinoy na nandito sa Pinas o sa ibang panig ng mundo, mapapanood din via livestream ang GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai! Pumunta lang sa Facebook page ng Expo 2020 Dubai at GMA Pinoy TV para sa mga detalye.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Donny Pangilinan at Belle Mariano, muling magpapakilig sa ‘He’s Into Her Season 2’

DongYan at ibang Kapuso stars, full-force sa pagiging #DapatTotoo