in

DongYan at ibang Kapuso stars, full-force sa pagiging #DapatTotoo

Pinangunahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.

Bukod sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na ‘Dapat Totoo.’

Pinangunahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.

Ang pagsasama-sama ng Kapuso stars ay bilang pagpapaalala sa publiko na kahit tayo ay magkakaiba, pareho pa rin ang pangarap natin para sa bansa at sa bawat Pilipino: disente at ligtas na buhay at magandang kinabukasan. At pare-pareho rin tayong may responsibilidad mapa-kandidato, botante, o mamamahayag man: ang maging matapat, mapanuri, at patas. Dapat Totoo ika nga lalo na’t ilang araw na lang, Eleksyon 2022 na!

Kasama rin sa Dapat Totoo advocacy campaign ng Kapuso Network sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Jasmine Curtis-Smith, Barbie Forteza, Bianca Umali, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Glaiza de Castro, at Andrea Torres. Nauna na ang mga GMA News and Public Affairs pillars at news personality sa Dapat Totoo advocacy plug na ni-launch late last year.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Pinoy TV, ready na para sa balik-live concert sa Expo 2020 Dubai

Ford Valencia binuhay ang ‘PBB’ hit song na ‘Magmahal Muli’