in

NCAA, maswerte sa Kapuso Network!

Ang dami ring komento na buti pa nga raw ang GMA, bukod sa malinaw na mapapanood sa TV, libre rin ang live stream online.

Marami ang nagsasabi na maswerte ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa bago nitong tahanan na GMA Network. Sa Opening Ceremonies pa nga lang ng season 97 ng first athletic league ng bansa, dama mo na ang importansyang binibigay ng Kapuso Network. Pinalabas kasi ito simulcast sa GMA at GTV.

Star-studded ang Opening Ceremonies na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Nagsilbing host naman sina Rabiya Mateo, Manolo Pedrosa, at NCAA hosts Martin Javier at Sophia Senoron. Present din sina Garrett Bolden, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Jeremiah Tiangco, Nef Medina, Vilmark Viray, at Anthony Rosaldo.

Binigyang-pugay rin ang ilang atletang mula sa mga NCAA school tulad nina CJ Perez, Marvin Hayes, Caloy Loyzaga (posthumous), Francis Munsayac, Maria Aresa Lipat, Michael Saguiguit, Freddie Webb, Roger Gorayeb, Jiovani Jalalon, at Chito Victolero.

Pagkatapos ng opening ay sinundan ito ng basketball games na live na napanood sa GTV. Ilan nga sa mga comment ng mga viewer at netizen ay ang level-up coverage sa NCAA courtesy sa GTV. Iba talaga kapag umeere sa Network with widest reach!

Ang dami ring komento na buti pa nga raw ang GMA, bukod sa malinaw na mapapanood sa TV, libre rin ang live stream online. Maa-access kasi ang livestream sa NCAA Philippines website (www.gmanetwork.com/ncaa) pati na sa NCAA Philippines Facebook page at YouTube channel, at sa GMA Sports Facebook at Twitter pages–o di ba, ang dami at libre pa! Ang mga Kapuso abroad naman ay pwede itong mapanood sa GMA Pinoy TV.

Mapapanood ang NCAA Season 97 live basketball games sa GTV tuwing Tuesday, Wednesday, at mula Friday hanggang Sunday sa ganap na 12:00 NN. May replays ang laro tuwing Monday at Thursday sa ganap na 3 PM.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagmamahalan nina Bright Vachirawit at Tu Tontawan, mananaig kaya sa ‘F4 Thailand: Boys Over Flowers’ finale?

Limang Teen Housemates, nominado para sa eviction sa ‘PBB Kumunity’ Teen Edition