in

ABS-CBN, umaarangkada sa Facebook at YouTube

Palaki nang palaki ang komunidad ng ABS-CBN sa Facebook at YouTube dahil mayroon na itong higit sa 33 milyong followers at 38.6 milyong subscribers sa mga naturang online platform.

Palaki nang palaki ang komunidad ng ABS-CBN sa Facebook at YouTube dahil mayroon na itong higit sa 33 milyong followers at 38.6 milyong subscribers sa mga naturang online platform.

Ang ABS-CBN ang most followed Facebook page sa Pilipinas, habang ang ABS-CBN Entertainment ang nangunang YouTube channel sa buong Southeast Asia noong Marso 2021, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

Sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN, napapanood ang Kapamilya Online Live, kung saan live na ipinapalabas ang ABS-CBN shows tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “The Broken Marriage Vow,” at “Viral Scandal.” Pwede ring ulit-ulitin ng viewers ang pinakahuling episodes ng mga programang ito sa loob ng pitong araw.

Walang humpay na aksyon, drama, at kilig ang hatid ng Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa Pilipinas dahil ginawa itong 24/7 noong 2021. Bukod dito, naging available rin ito sa higit 180 bansa at napapanood on-demand ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Viral Scandal” na may English subtitles.

Bukod sa pagtutok ng viewers sa paborito nilang mga programa, pwede rin silang makipag-chikahan sa isa’t isa sa live chat section at maaari rin silang makisali sa gap shows na umeere tuwing commercial breaks tulad ng “Showtime Online U” at “iWant ASAP.”

Noong Agosto 2020, inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live para maging “online tahanan” ng mga palabas na na-miss ng mga Pilipino. Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanap ng ABS-CBN ng paraan na makasama ang mga Kapamilya at makapaghatid sa kanila ng saya, pag-asa, at inspirasyon.

Ang lumalaking komunidad ng ABS-CBN sa Facebook at YouTube ay patunay ng unti-unting pag-transition ng ABS-CBN sa pagiging isang digital company na may pinakamalawak na online presence at pinakamadaming digital properties na pinapanood ng marami.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Libo-libo matutulungan ng Sky Virtual Run Fundraiser

Julie Anne San Jose, thankful sa success ng Limitless Live!