in

Presidential debate ng Kapuso Network, kasado na!

Ang “harapang tatapos sa lahat ng harapan.” Ganito inilalarawan ng GMA Network ang “Debate 2022: The GMA Presidential Face-Off” sa 24 Oras reveal nito nitong Lunes. Sa April 30 ang airing date ng nasabing debate–sakto sa nalalapit na May 9 presidential elections.

Sina GMA News pillars Mike Enriquez at Mel Tiangco ang magsisilbing panelists habang ang kapwa nila pillar na si Vicky Morales at veteran broadcast journalist na si Pia Arcangel ang tatayong moderator sa paghaharap ng presidential candidates.

Tiyak na tututukan ito ng viewers lalo na’t ang Kapuso Network–na subok na pagdating sa mga debate at interbyung walang kinikilingan–ang maghahatid nito. Di ba nga’t ilang araw na pinag-usapan ang presidential interviews ni Jessica Soho nitong Enero? Ang tanong ngayon, sinu-sino kaya ang kakasa sa hamon ng debate ng GMA? Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Unang Virtual Career Fair ng Trabahanap ngayong 2022, lalarga na ngayong Marso 26

Libo-libo matutulungan ng Sky Virtual Run Fundraiser