in

Vance Larena, isinuko ang ebidensya laban kay Markus Paterson

Samantala, mapapanood na sa Miyerkules (Marso 16) ang spin-off chapter ng kapatid ni Rica na si Bea (Karina Bautista) at ni Pogs (Aljon Mendoza).

Itinuwid na ni Archie (Vance Larena) ang kanyang pagkakamali at ibinigay na niya ang ebidensya na nagpapatibay na rapist si Jigs kay Troy (Jake Cuenca) sa “Viral Scandal.”

Hindi nga kinaya ni Archie ang pag-iwan sa kanya ni Ella (Aya Fernandez) pagkatapos nitong malaman na tinulungan pa niya si Jigs na maabswelto sa mga kaso nito. Tingin niya na sa pagbibigay niya ng ebidensiya sa kampo ni Rica ay makakatulong siya sa kaso at para na rin mapatawad siya ng kanyang girlfriend.

Sumakto naman na kasama ni Troy sina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval) nang inabot ni Archie ang ebidensiya. Pinapunta nila si Rica sa opisina ni Atty. Dizon (Ria Atayde) para matignan at mapag-usapan kung ano ang gagawin nila sa ebidensiya. Hindi naman makapaniwala si Rica na may mga ganoong tao tulad nina Jigs at ng kanyang mga kaibigan na nagawang bastusin at paglaruan ang mga babae na walang kaalam-alam sa pinaggawa nila. Makumbinse kaya nina Rica at Atty. Dizon ang mga babaeng magsampa ng kaso laban kay Jigs?

Samantala, mapapanood na sa Miyerkules (Marso 16) ang spin-off chapter ng kapatid ni Rica na si Bea (Karina Bautista) at ni Pogs (Aljon Mendoza). Malalaman na ng publiko kung ano ba ang simula ng mala-aso’t pusang relasyon ng dalawa sa storya

Ito nga ang regalo ng “MMK” at “Viral Scandal” sa fans at viewers matapos nilang makakuha ng halos P1.4M na donasyon sa finale ng “Kapamilya Family Date Nights” na ibinigay sa ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Libre naman at hindi nagpabayad ang cast, crew, at promo team ng nasabing prequel.

Subaybayan ang mga kapanapanabik na eksena sa “ViralScandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Digitally Restored ‘Ipaglaban Mo The Movie,’ mapapanood sa KTX

Miyembro ng TNT Boys na si Mackie Empuerto, bibigyang-buhay ang kantang ‘Can This Be Love’