May nakaka-inspire na kwento ang singer-songwriter na si vanya tungkol sa isang babae na naligaw at nahanap ulit ang sarili niya sa kanyang debut extended play (EP) record na “woman” na ini-release ng Star Music ng ABS-CBN.
Maririnig ang kwento ng pinagdaanan ng isang babae para makilala kung sino ba talaga siya sa limang kantang nakapaloob sa EP.
“Kahit na maikli lang itong EP, sweet taste of promise siya para sa’kin kasi kailangan kong magsulat at komprontahin ‘yung mga bagay na iniiwasan ko,” ani vanya, na inaming nahihirapan siyang magsulat tungkol sa mga bagay na hindi niya pa nararanasan.
Kasama sa “woman” EP ang mga isinulat niyang kanta na “Mother,” “Real,” “Steady,” at key track na “Adoration” pati na ang “Breathe” na komposisyon ni Justin Emmanuel Rivera. Lahat ng mga kanta ay ipinrodyus ni Pauline Lauron.
Ayon sa Star Music artist, hangad niya na maging paalala ang EP sa kababaihan sa kagandahan nila na tanging sila lang ang makapagbibigay sa mundo pati na sa kanilang ‘softness’ na kalakasan nila.
Si vanya ay dating “Idol Philippines” contestant at “Himig Handog 2019” interpreter mula Bacolod na pinagsasama ang pananampalataya at musika para makagawa ng magagandang istorya. Bago siya maging Star Music talent, isa siyang freelance artist at voice talent sa commercial jingles.
Isa rin siyang worship minister at full-time Youth Campus Missionary.
Alalahanin ang iyong halaga bilang babae at pakinggan ang debut EP ni vanya na “woman” sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).