in

Jodi Sta. Maria binawi ang planong annulment, Sue Ramirez sinusuyo pa rin ni Zanjoe Marudo sa ‘The Broken Marriage Vow’

Inatras na ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang plano niyang ipa-annul ang kasal nila ni David (Zanjoe Marudo) sa seryeng “The Broken Marriage Vow.” Ngunit wala na nga ba siyang dapat ipag-alala sa kabit ng asawa niya?

Bumabalik ang tiwala ni Jill kay David dahil nabalitaan niyang wala na ang relasyon nito kay Lexy (Sue Ramirez). Kakabalik lang ni Lexy sa Pilipinas mula sa ibang bansa pagkatapos niyang ipalaglag ang anak nila ni David dahil hindi pa rin nito hinihiwalayan si Jill.

Ang hindi naman alam ni Jill, patuloy na sinusuyo at kinukulit ni David si Lexy na kausapin siya at magkaayos sila.

Patong-patong naman ang problema ni Jill. Nanggigigil kasi siya dahil nanganganib na maremata ang bahay nila dahil sa iresponsableng paghawak ni David sa pera nila. Unti-unti ring nasisira ang reputasyon ni Jill dahil sa mga kumakalat na reklamo sa kanya online pati na ang mga akusasyo ni Enzo (Joem Bascon), ang abusadong kasintahan ni Diane (Jane Oineza).

Paano aayusin ni Jill ang mga problema niya? Matitiis kaya ni Lexy si David?

Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “The Broken Marriage Vow.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Labing-isang bituin ng ABS-CBN, pumirma upang manatiling ‘Kapamilya Strong’ at Star Magic, magdiriwang ng ika-30 anibersaryo