in ,

‘PBB Connect’ ex-housemate Ella Cayabyab, bibida sa ‘Pilikula: Her Story’

Bibida sa unang pagkakataon ang dating “PBB Connect” housemate na si Ella Cayabyab sa digital film na “PILIkula:Her Story,” isang kwento tungkol sa isang online writer na sinusubukang ayusin ang kanyang buhay habang namromroblemang gumawa ng isang hit na storya ang mapapanood sa Biyernes (Peb.25) sa KTX.PH.

Iikot ang “Her Story” kay Pheobe (Ella), isang online writer na nahihirapang gumawa ng bagong kwento dahil sa kanyang problema sa nakaraan. Kinakailangan na niyang magsulat ng isang hit story para manatili bilang isa sa mga tinatangkilik na manunulat ng kanilang publication.

Masusulat niya ang “Fighting” na tungkol kay Nica (Sela Guia) na gagawin ang lahat para mapansin ng kanyang boss na si Ian (Sky Quizon) kahit pa magsinungaling siyang marunong magsalita ng Korean. Sa pagpapatuloy ng kwento, makikita ng viewers na parang mga problem sa tunay na buhay ni Pheobe ang mga pinagdadaanan ni Nica sa kwento.

Alamin kung makatulong kaya ang sinusulat na storya ni Pheobe para maayos ang sarili niyang problema.

Nasungkit ni Ella ang lead role sa “Her Story” matapos niya makuha ang pinakamataas na total combined votes sa kumu at KTX.PH na 49.015% sa “PILIkula Spotlight” contest.

Panoorin ang “Her Story” sa KTX.PH sa darating na Biyernes (Peb.25). Sa mga gustong makita si Ella ng personal, maaring bilhin ang VIP ticket sa halagang P149. Available rin ang general admission tickets sa halagang P99.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong Star Pop talent na si Cesca, tungkol sa takot sa pagpasok sa relasyon ang debut single

‘GKNB Kumu Weekend Party,’ mamimigay ng aabot sa P500,000 na papremyo