in

Award-winning director Pepe Diokno muling nakatrabaho ang tatay na si Chel Diokno

Sa ikatlong pagkakataon, nagkaroon ng tsansa ang multi-awarded director na si Pepe Diokno na mag-direct ng campaign video ng kanyang ama na si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

Gumawa ng dalawang video shoots si Pepe kasama ang ama sa unang pagpasok nito sa pulitika noong 2019. Tatlong taon ang nakalipas, napansin niya na may kakaiba sa kanyang ama nang gawin nila ang unang campaign video para sa 2022 elections

“Very proud ako sa kanya kasi napaka-komportable na niya in front of the camera. In 2019, he was still getting used to things,” wika ni Pepe.

Sa pananaw ng isang director at hindi bilang isang anak, pinuri rin ni Pepe ang ama dahil mabilis ito sa set at sa pagiging totoo niya sa pagbigkas ng kanyang mensahe at plataporma sa taumbayan.

“Pero ngayon, objectively speaking, ang bilis na niya on set. And watching him, ramdam mo talaga yung puso at pagiging totoo,” wika ni Pepe, na tinutukoy ang bagong 55-segundong campaign video na inilunsad noong isang linggo.

Sa kayang bagong video, binigyang diin ni Diokno ang kahalagahan ng pagbibigay sa inaapi at mahihirap na Pilipino ng agarang libreng tulong legal upang magkaroon sila ng patas na pagkakataon sa paghahabol ng hustisya.

“Kaya ang hangad ko, bawa’t Pilipino ay mabigyan ng access sa libreng serbisyong legal sa kanilang barangay upang masagot ang kanilang katanungan at mailapit sila sa angkop na abugado,” dagdag pa niya.

Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong din ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang, punto pa ni Diokno.

“Libreng serbisyong legal sa bawat baryo. Ang dehado, gawing liyamado!” wika ni Diokno sa campaign video.

Nakuha kamakailan ni Diokno ang suporta ng aktres na si Heart Evangelista at social media influencers na sina Sassa Gurl, Pipay at Gaia.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dating ‘PBB’ Ex-housemate Rita Gaviola, itinanghal na ‘Showtime Sexy Babe’ daily winner

Pagpapakilala ni Vic ‘Bossing’ Sotto sa Bossmax 3 Mangosteen Xanthone Capsule at Coffee