in

Joshua Garcia, nagtapat ng pag-ibig kay Charlie Dizon sa ‘Viral Scandal’

Aminado si Kyle (Joshua Garcia) na may nararamdaman siya para kay Rica (Charlie Dizon) higit pa sa kaibigan o katrabaho sa “Viral Scandal.”

Sinabi niya sa kaibigan niyang si Axel (Jameson Blake) na mas pipiliin na lang niya na lumayo ang loob ni Rica sa kanyang kaysa makadagdag sa problema nito. Alam niya kasi na hindi niya mapipigilan ipakita ang kanyang nararamdaman dito kapag ipinagpatuloy pa niya ang pagiging kaibigan nito sa kanya.

Samantala, nahanap na nina Rica at Troy (Jake Cuenca) si Raven (Kaila Estrada) matapos niyang iwan ang kapatid sa daan. Sa nakitang pagsisi ni Troy sa sinapit ng anak, nag-iba nga ang tingin ni Rica sa kanya. Sinabi ni Rica kay Kakay (Dimples Romana) na hindi na niyang magawang magalit sa tunay na ama nang makita itong magpaka-ama sa kapatid.

Mapanindigan kaya ni Kyle ang paglayo kay Rica? Itutuloy pa rin kaya ni Troy ang pakikipaghiwalay kay Audrey?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jodi Sta. Maria nabisto na ang panloloko nina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez sa ‘The Broken Marriage Vow’

Birthday pasabog ni Martin Nievera, pakatutukan sa ‘ASAP Natin ‘To’