in

DonBelle, SethDrea, Vice Ganda, Ivana Alawi, at iba pang Digital Stars nominado sa 7th Push Awards

Patuloy ang pagkilala ng entertainment website na push.com.ph ng ABS-CBN sa mga sikat na personalidad at digital stars na nagdala ng good vibes at inspirasyon sa mga Pinoy sa taunang Push Awards.

Pwede nang iboto ng fans ang kanilang mga idolo sa pitong kategorya simula ngayong Enero 31 hanggang Pebrero 27 sa push.abs-cbn.com/vote. Kikilalanin naman ang winners sa gaganaping virtual awarding ceremony sa Marso 4.

Nominado sina Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle), Seth Fedelin at Andrea Brillantes (SethDrea), Kyle Echarri at Francine Diaz (KyCine), Karina Bautista at Aljon Mendoza (KarJon), at Kobie Brown at Andi Abaya (KoDrea) sa kategoryang Push Popular Love Team of the Year para sa walang humpay na kilig na hatid nila sa online world.

Magtatapatan naman sina Kim Chiu, Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Madam Inutz, at Zeinab Harake bilang Push Content Creator of the Year para sa kanilang nakakaaliw na trending vlogs at livestreams.

Maglalaban-laban para maging Push Social Media Personality of the Year sina Vice Ganda, Nadine Lustre, Darren Espanto, Heart Evangelista, at KC Concepcion para sa paggamit nila ng kanilang plataporma upang magbigay saya at inspirasyon sa mga tao.

Sina Maymay Entrata, Gigi De Lana, at ang P-Pop groups na BINI, BGYO, at SB19 ang mag-aagawan sa titulong Push Music Personality of the Year, habang sina Andrea Brillantes, Niana Guerrero, AC Bonifacio, AJ Raval, at Esnyr Ranollo ang nominado bilang Push Trending TikToker of 2021.

Maaari ring piliin ng fans kung sino kina Jodi Sta. Maria (“Ang Sa Iyo Ay Akin”), Yassi Pressman (“FPJ’s Ang Probinsyano”), JM de Guzman (“Init Sa Magdamag”), Andrea Brillantes (“Huwag Kang Mangamba”), at Erich Gonzales (“La Vida Lena”) ang magwawagi para sa Push Favorite On-screen Performance of 2021.

Kasama rin sina Anne Curtis, Elisse Joson, Janella Salvador, Andi Eigenmann, at Dimples Romana sa Push Celebrity Mom of the Year nominees dahil sa kanilang pagbabahagi ng mga nakaka-inspire na kwentong nanay nitong nakaraang taon.

Samantala, ang Push management naman ang mamimili ng tatanggap ng espesyal na Push Inspiration 2021 award. Ito ang tanging parangal na hindi pagbobotohan ng fans at ibibigay sa isang natatanging personalidad na nagdala ng karangalan sa bansa at patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino.

Nasa ikapitong taon na ang Push Awards kung saan kinikilala ang mga sikat na online personalities na ginagamit ang kanilang plataporma sa tamang paraan.

Suportahan ang inyong mga idolo at bumoto sa push.abs-cbn.com/vote mula Enero 31 hanggang Pebrero 27 at bisitahin ang PUSH.com.ph para sa latest entertainment news.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pelikula nina Charo Santos at Daniel Padilla, mapapanood na sa KTX.PH

‘PBB Kumunity’ housemates, sumabak sa Online Selling para makatulong sa Odette Survivors