in

‘Magandang Buhay,’ tuloy ang paghatid ng masaya at puno ng aral na kwentuhan

Tuloy ang masayang balitatakan sa “Magandang Buhay” ngayong Pebrero kasama sina Jolina Magdangal-Escueta at Melai Cantiveros-Francisco at ang kanilang guest ku-momshie na si Regine Velasquez sa Kapamilya Channel,A2Z, Jeepney TV, at Kapamilya Online Live.

Noong Lunes (Enero 31), winelcome nina Jolina at Melai si Regine na makakasama pa nila sa susunod na tatlo linggo.

Labis ang saya na naramdaman ni Regine sa pagiging parte niya ng morning show sa susunod na tatlong linggo.

Ani ng Asia’s Songbird, “Natutuwa ako kasi kung dati pumupunta lang ako rito na parang napadaan lang kasi parang sandali lang. Ngayon I will be with your for three weeks. Bakit hindi pa natin sinaktong isang buwan ano?”

Nagparinig naman si Jolina, “Kaya nga eh o hindi kaya mga ilang buwan pa.”

Natandaan naman ni Melai yung sinasabi ni Regine tuwing bumibisita ang Kapamilya singer sa programa.

“Ate Regine naaalala ko nga sinasabi mo kapag pa-ending na yung guesting mo na “Ay gusto ko talaga dito at ngayon nandito ka na,” saad ni Melai.

Biro ni Regine, “Hindi kasi alam mo yung kwentuhan lang. Eh bilang top 30 ako sa mga Marites. You know I have a reputation to keep.”

Sa kanyang unang araw bilang momshie, ibinahagi nga niya ang mga ginagawa nilang bonding ng kanyang pamilya nitong pandemic. Kung paano nga nila natutukan ang kanilang anak na si Nate lalo pa at busy sila sa “ASAP Natin To” at regular host na rin si Ogie Alcasid sa “It’s Showtime.”

Natuwa naman ang netizens sa pagiging guest ku-momshie ni Regine kaya naman nagtrending noong Lunes ang “Queen Regine” at #Magandang Buhay.

Sa mga susunod na araw, makakasama nilang tatlo ang “ASAP Natin To” New Breed of Singers na sinaAnji Salvacion at Sam Cruz, magkaibigang sina Ria Atayde at Darren Espanto, ang Showtime Sexy Babe Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez at Nicole Cordoves, at “Viral Scandal” stars na sina Charlie Dizon, Kaila Estrada, at Dimples Romana.

Huwag palampasin ang “Magandang Buhay” mula Lunes hanggang Biyerness 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angelica Panganiban, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal, at Elisse Joson sawi sa pag-ibig sa ‘The Goodbye Girl’

Pelikula nina Charo Santos at Daniel Padilla, mapapanood na sa KTX.PH