Nag-react ang ilang celebrities, sa pangunguna ng aktres na si Rita Avila, sa panayam ni talk show host Boy Abunda kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.
Inihayag ni Avila sa kanyang social media account ang pagkadismaya sa paulit-ulit na pagputol ni Abunda kay Robredo, na nakapigil para maipaliwanag ng Bise Presidente ang kanyang mga sagot.
“Mr. Boy Abunda. I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying. Mas respectful at decent ka kila Sen. Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this,” wika ni Avila sa Instagram
“WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound. Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo,” dagdag pa niya.
Pareho rin ang sentimyeno ng aktres na si Nikki Valdez ukol sa paulit-ulit na pagputol n Abunda sa paliwanag ni Robredo.
“Ang dami gusto sabihin ni VP… Hindi siya natatapos!!! Tito Boy, patapusin niyo naman,” wika ni Valdez.
Sinita rin ni Jim Paredes ng Apo Hiking Society ang ginagawang pagputol ni Abunda sa mga sagot ni Robredo, malayo sa “malambot” niyang trato sa guest na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“LENI was great. Boy Abunda was wanting. Always interrupting. Too soft kay Bleng2, practically feeding him,” ani ni Paredes.
“For the times I have interrupted women while speaking, I apologize. Seeing Boy Abunda’s interview tonight was my magic mirror moment in realizing how offensive and infuriating mansplaining is. Let’s do better, men. You too, Boy,” wika naman ng aktor na si Gabe Mercado sa Twitter.
“For the record, I do not think Boy Abunda was biased at all against the VP. I do think he was biased for taking the spotlight and hearing himself. That’s what male privilege is about. Men interrupting and feeling entitled to the spotlight at the expense of women,” sabi pa ni Mercado sa hiwalay na tweet.
Pinuri naman ng beteranong aktor na si Edu Manzano ang Bise Presidente sa magandang pakita niya sa panayam ni Abunda.
“Leni deserves a lot more credit… Good job!” wika ni Manzano sa Twitter.
Naging trending topics ang hashtags gaya ng #LetLeniSpeak at #AbundaBiased sa Twitter dahil sa ginawang pagputol ni Abunda sa pagsagot ni Robredo.
Naging No. 1 trending topic naman sa buong mundo ang #LeniAngatSaLahat na may 166,000 tweets sa panayam ni Robredo.