in

Harapan ni Boy Abunda at 5 Presidentiables, mapapanood na

Kilalanin ang lima sa mga kumakandidatong bilang presidente sa limang gabi ng nagbabagang talakayan kasama ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa “The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda,” mula Enero 24 hanggang 26 sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube at Kapamilya Channel.

Sa mga isyung kinaharap ng Pilipinas sa ngayon, ano ang kanilang kasagutan sa mga tanong ng bayan? Alamin sa interview special ni Boy kina Sen. Panfilo “Ping” Lacson (Enero 24, Lunes), dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (Enero 25, Martes), Vice President Leni Robredo (Enero 26, Miyerkules), Manila Mayor Isko Moreno (Enero 27, Huwebes), at Sen. Manny Pacquiao (Enero 28, Biyernes).

Isa-isang haharap sa matitinding tanungan ni Tito Boy ang mga kakandidatong pagka-pangulo para lubos na maintindihan ng mamamayan ang kanilang plataporma para sa bayan tatlong buwan bago ang Halalan 2022.

Pakatutukan ang “The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda” ngayong Enero 24 hanggang 26, 6 ng gabi online sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, at 11 ng gabi, pagkatapos ng “The World Tonight” sa Kapamilya Channel. Mapapanood din ang ilan pang presidential interview special sa darating na Enero 30 at Pebrero 6, Linggo, 11 ng gabi sa Kapamilya Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jona Viray, bibirit muli sa ‘ASAP Natin ‘To’ live ngayong Linggo

Bongbong Marcos nagdahilang ‘biased’ si Jessica Soho kaya umatras; GMA Network may bwelta