Mga pasabog ng concert nina Belle Mariano, Morissette Amon, at Angeline Quinto ang mapapanood sa KTX.PH ngayong Enero.
Hindi magpapaawat ang Asia’s Pheonix na si Morissette sa pagdiriwang ngkanyang ika-sampung anibersaryosa industriya sa digital concert na “Phoenix” sa Enero 23 (Linggo). Available pa rin ang VIP tickets ng kanyang concert na may kasamang meet and greet sa halagang P1,999 o regular tickets sa halagang P999.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang “10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theatre”ni Angeline ngayong Enero. Makakasama niya sa Enero 28 (Biyernes) si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Kapamilya heartthrob Darren Espanto samantala sa Enero 29 (Sabado) naman ay makaka-duet niya ang nag-iisang Ogie Alcasid. Isang masayang reunion naman ang nakatakdang mangyari sa Enero 30 (Linggo) dahil makakasama ni Angge ang kanyang kasamahan sa “ASAP” Divas na sina Kyla, KZ Tandingan, at Yeng Constantino. Pwede pa rin silang bumili ng tickets sa halagang P499 kada concert.
Matutunghayan naman sa Enero 29 (Sabado) ang kauna-unahang major solo concert ni Belle Mariano na pinamagatang “Daylight.” Sa unang araw nga na inilabas ang kanyang tickets at nakakuha na kaagad ang kanyang concert ng P300,000 sa loob ng dalawang minuto at P500,000 sa loob ng trenta minutos. Sold-out na ang SVIP at VIP tickets ng kanyang concert ngunit available pa naman ang general admission sa halagang P195. Sa mga hindi naman makakapanood sa Enero 29, maaari pa rin silang bumili at manood sa Enero 30 (Linggo) sa parehong presyo.
Bukod naman sa concerts nilang tatlo, masayang balita naman ang hatid ng KTX.PH para sa Blooms at ACEs dahil pwede nilang mapanood muli ang “One Dream: The BINI and BGYO concert version 2022” sa Pebrero 12 (Sabado) at 13 (Linggo). Sa presyong P700, mababalikan nila ang concert at mayroon ding hinanda ang dalawang grupo na mga sorpresa para sa kanilang fans.
Sa mga gustong bumili ng ticket at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph.