Inindorso ng aktor na si Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo kasabay ng paghikayat sa mga kalalawigan na aktibong mag-recruit ng mas marami pang mga tagasuporta para matiyak na ang susunod na pangulo ng bansa ay mula sa Bicol Region.
“Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Pilipino ang tapat na pinuno. At ipakita natin sa buong mundo ang kakayanan at katatagan ng ating lahi,” wika ni Fabregas.
Sa katauhan ni Robredo, idineklara rin ng aktor na taglay ng Bicol ang pinakamagaling at pinakakuwalipikadong kandidato sa mga tatakbo bilang pangulo sa 2022.
“Ang pakiusap ni Lolo General sa inyong lahat, na mangumbinsi pa tayo ng hindi bababa sa lima pang botante na makiisa sa ating layunin,” wika ni Fabregas, na tinutukoy ang kanyang karakter sa sikat na TV series na “Ang Probinsyano.”
Nagpahayag ng pagkadismaya si Fabregas sa katotohanan na wala pang pangulo mula Bicol Region ang nahalal kahit ito na ikalimang pinakamaraming bilang ng botante at ikaapat na pinamalaking has ethnic group sa bansa.
“Hindi ba kataka-taka na sa buong kasaysayan ng Pilipinas, wala pang naging Presidente mula sa Bicol?” ani Fabregas.
Limang pangulo ang nagmula sa
Central Luzon –Ramon Magsaysay (Zambales); Diosdado Macapagal and Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga) at Cory at Noynoy Aquino mula Tarlac.
Sa Ilocos Region, na mas kaunti ang botante kumpara sa Bicol Region, ay may tatlong pangulo — Elpidio Quirino, Ferdinand Marcos at Fidel Ramos.
Dalawang pangulo naman ang nagmula sa Luzon — Manuel Quezon (Tayabas) at Joseph “Erap” Estrada (National Capital Region), dalawa mula sa Visayas na sina Manuel Roxas at Carlos Garcia habang may isa ang Mindanao kay Rodrigo Duterte.
Sa kanyang parte, hinikayat ni Robredo ang mga kapwa Bicolano na huwag sayangin ang pagkakataon na makapaghalal ng pangulo mula Bicolandia sa 2022.
“Huwag na po nating palampasin ang pagkakataon na ito. Ang tagumpay natin sa Mayo ay tagumpay ng bawat Bicolano at Pilipino. Inaasahan ko po kayo,” wika niya.
Solid Leni Bicol page: https://fb.watch/anNkcqCiEb/
Solid Leni Pilipinas page: https://fb.watch/anNsaYkuwR/