in

Kapamilya stars, nagbahagi ng talento para matulungan ang mga biktima ng Bagyong Odette

Nagsalo ang mga Pilipino sa buong mundo sa nga awitin ng pag-asa at nakaaantig na kwento ng mga survivor ng bagyong Odette sa isinagawang “Tulong Tulong sa Pag-Ahon: Andito Tayo Para Sa Bawat Pamilya” benefit concert ng ABS-CBN kagabi (Disyembre 23).

Habang todo bigay ang Kapamilya stars sa pag-alay ng kanta sa mga naapektuhan ng bagyo, todo bigay rin ang mga Pilipino sa pagpapadala ng donasyon sa kanilang panonood ng concert na ipinalabas ng live sa ABS-CBN Entertainment YouTube at Facebook accounts, iWantTFC, cable TV channel TeleRadyo, at TFC IPTV.

Patunay na laging andito ang mga Pilipino upang tumulong sa pag-ahon ng ating mga kababayan, nagsilbing paisimula sa online fund drive na “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon” ng ABS-CBN Foundation para sa relief efforts at mga proyekto nito para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Kabila ng sa mga naghandog ng kanilang oras at talento ang hosts na sina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, at Bernadette Sembrano, kasama ang mga bigatin at sumisikat na singer na sina Jona, Jed Madela, Nyoy Volante, Angeline Quinto, Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, Kyle Echarri, Angela Ken, Gigi de Lana at GG Vibes, at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tinugtog rin ng “PBB Kumunity Season 10” celebrity housemates na sina Alexa Ilacad, Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, KD Estrada, Madam Inutz, at Samantha Bernardo ang kanilang mga orihinal na komposisyon habang nag-iwan din ng mensahe para sa kanilang mga kababayang nasalanta sina Brenda, Sam, at Anji.

Ipinaliwanag naman ng ibang ABS-CBN stars tulad nina Coco Martin, Gerald Anderson, Belle Mariano, Alvin Elchico, Doris Bigornia, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Julia Montes, at Piolo Pascual ang iba’t ibang paraan upang tumulong at kung gaano kahalaga ang tulong ng bawat isa, salapi man o mga donasyong kagamitan tulad ng de lata, bigas, tubig, hygiene kits, at kumot.

“Ang apat na daang piso ay makapagbibigay ng pagkain sa isang pamilya na sapat sa tatlong araw. Ang malaking halaga naman po ay makakatulong po sa ibang aspeto ng pagbabangon mula ngayon hanggang sa susunod na taon. Sana po ay tumulong tayo mga kapamilya,” ani Coco.

Ikinatuwa naman ng netizens ang agarang aksyon ng ABS-CBN at mga artista nito para makatulong sa kapwa.

“Thank u for using your talents to advocate and help those in need po,” sabi ng YouTube user na si MikMik, habang pinost naman ito ni @JustinS_2000 sa Twitter, “Thank you po @ABSCBN @ABSCBNFI_ph for this show. More power to the bosses and staff na nagplano for one day. In the service of the Filipino.”

Tumatanggap pa rin ang ABS-CBN Foundation ng mga donasyon sa kanilang BDO (0039302-14711), BPI (4221-0000-27), PNB (1263-7000-4128), GCash, PayMaya, at PayPal accounts. Para naman sa international donations, pumunta lamang sa abscbnfoundation.org. Makikita ang iba pang detalye sa Facebook at Instagram page ng ABS-CBN Foundation. Maaari ring mag-download ng social media badges na pwedeng gamitin bilang profile photo, twibbons, Facebook frames, Instagram filters, para ipakita ang pagmamahal at suporta para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Charlie Dizon at Joshua Garcia, nagkita na!

Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo, pasok sa ‘PBB Kumunity’ Final 5