in

Ika-20 na taon ng 6cyclemind, idaraos sa Christmas Special ng ‘ASAP Natin ‘To’

Humanda sa isa pang engrandeng Christmas afternoon party mula sa paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang ika-20 na anibersaryo ng 6cyclemind, kilig treats mula sa tambalang DonBelle at SethDrea, mga kaabang-abang na collab, at iba pa ngayong Linggo (Disyembre 19) sa Christmas special ng “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maki-rakrakan to the max kasama ang 6cyclemind para sa kanilang 20th anniversary, kasama ang mga paborito ninyong ASAP singers na sina Ogie Alcasid, Jed Madela, at Erik Santos.

Tuloy-tuloy ang kantahan tampok ang mga naglalakihang music artists, tulad ng mga kapana-panabik na collab mula kina Darren at Kyle Echarri, pati ang holiday biritan nina Martin Nievera at Morissette; at ang Christmas classics duet ng New Gen Birit singers na sina Sheena Belarmino, Reiven Umali, Jayda Avanzado, Anthony Castillo, Lara Maigue, JM Yosures, Elha Nympha, at Sam Mangubat.

May pamasko muling inihanda sina Maymay Entrata, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at ang buong “ASAP Natin ‘To” habang makikiparty rin ngayong Linggo si Janine Gutierrez sa ASAP stage.

Makihataw naman sa Christmas sayawan nina AC Bonifacio, Francine Diaz, Maymay Entrata, Janella Salvador, Enchong Dee, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, at Jin Macapagal. Samantala, tuloy-tuloy rin ang P-Pop fever sa ASAP stage sa trending sayawan at kantahan mula sa BINI at BGYO.

Magpapakilig muli ang mga tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pati nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, habang may pa-caroling din ang “Love at First Stream” stars na sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, at Anthony Jennings.

At damhin ang simoy ng Pasko sa regalong engrandeng kantahan mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Nina, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang new breed singers na sina Angela Ken, Diego Gutierrez, at Sam Cruz.

Maki-salo na kasama ang buong pamilya at maki-party kasabay ang paborito ninyong artista sa pamaskong handog ng longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘F4 Thailand: Boys Over Flowers’ mapapanood na sa iWantTFC, ABS-CBN platforms, at A2Z ngayong weekend

‘MYX and Match’ Season 2 mapapanood na sa Tiktok Live simula December 17