in

Sino kina Alexa Ilacad, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama ang maliligtas sa gagawing double eviction sa ‘PBB Kumunity?’

Doble ang tensyon na magaganap sa Sabado (Disyembre 4) dahil dalawa lang kina Alexa Ilacad, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama ang maliligtas ng outside world sa gagawing double eviction night sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition.

Nanguna si Karen sa listahan ng mga nominado para sa eviction na may siyam (9) na puntos kasunod sina Alexa (8 puntos), TJ (7 puntos), at Samantha (5 puntos). . Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS o BBE at i-send sa 2366

Natuldukan na rin ang “PBB” experience ni Kyle Echarri (“Ang Golden Son ng Cebu”) bilang pang-apat na celebrity evictee matapos siyang makakuha ng pinakamababang pinagsamang save at evict votes na 22.25%, habang naligtas ang kapwa nominado ni Kyle na sina Anji Salvacion na may 30.03% at Alexa na nakakuha ng 27.98% na boto.

“Every single person in that house is very deserving. Mahal na mahal ko po silang lahat. I’m so proud of them. I was ready to face the outside world. I’m so happy for Alexa and Anji to stay. Tanggap ko ‘yung nangyari sa akin ngayong gabi. I’m super excited for what the outside world has in store for me,” kwento ni Kyle kay Kuya bago siya tuluyang lumabas sa “PBB” house.

Naiyak din sina Anji, Alyssa Valdez, Kyle, at Shanaia Gomez matapos makatanggap ng sorpresang mga mensahe mula sa kanilang mga minamahal sa ginawang freeze task ni Kuya. Hindi mapigilan nina Anji, Kyle, at Shanaia ang kanilang luha nang muling masilayan ang kanilang mga ina, habang si Alyssa naman aminadong nagulat nang makita muli ang nobyong si Kiefer Ravena.

“I never really thought na ganun pala ‘yung impact ng isang video greeting sa isang tao. Now that I’ve experienced it, grabe. Sobrang nakakatuwa. Nagkakaroon po ng bagong motivation to keep going talaga. Sobrang saya lang,” lahad ni Alyssa.

Samantala, kaabang-abang din ang mga magaganap sa “PBB Kumunity” ngayong linggo dahil mahahati sa dalawa ang bahay ni Kuya, kung saan dadaan sa isang task ang dalawang grupo ng celebrity housemates.

Ano kaya ang nakasalalay sa panibagong hamon ni Kuya? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.

Bukas pa rin ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period.

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tatlong Kapamilya, pinarangalan sa 2021 Glory Awards

Erich Gonzales ‘shookt’ na ama si Raymond Bagatsing sa ‘La Vida Lena’