in

Tatlong Kapamilya, pinarangalan sa 2021 Glory Awards

Kinilala ang batikang direktor na sina Cathy Garcia-Molina at mga beteranong mamamahayag na sina Rowena Paraan at Abner Mercado bilang natatanging alumni ng University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) sa ginanap na 2021 Glory Awards kamakailan lang.

Ang direktor na si Cathy, na nasa likod ng dalawa sa pinaka-patok na pelikulang Pilipino na “Hello, Love, Goodbye” at “The Hows of Us,” ang awardee ngayong taon para sa larangan ng film.

Ginawaran din si Rowena, ang pinuno ng ABS-CBN News Public Service at citizen journalism program na “Bayan Mo, iPatrol Mo,” para sa kanyang kontribusyon sa social advocacy.

Samantala, ang dating ABS-CBN reporter at anchor ng ABS-CBN current affairs shows tulad ng “The Correspondents” at “Krusada” na si Abner naman ang awardee para sa broadcast journalism.

Sa kanilang pagtanggap ng award, nagpasalamat sina Cathy, Rowena, at Abner sa kanilang pamilya, mga guro, at sa kanilang kolehiyo para sa paghubog sa kanilang karakter, kakayahan, at prinsipyo.

“Sa akin ang natutunan ko sa UP kung papaano magmahal ng kapwa, kung papaano maging mapanuri, kung papaano magtanong… Hanggang ngayon, even in ABS-CBN, ang trabaho ko is also to help people,” pagbahagi ni Rowena.

“Through it all ang puhunan ko po talaga tiyaga and sipag. And I thank UP CMC again dahil kayo ang nagbukas ng daan papunta sa kung nasaan ako ngayon,” ang sabi naman ni Cathy.

“Sisikapin naming patuloy kaming maging karapatdapat sa parangal na ito at sa kakabit nitong responsibilidad,” sambit naman ni Abner, na hangad na mai-inspire ang iba pang kasama sa midya at mga papasok pa lang sa mundo ng pagbabalita.

Kabilang sila sa pitong natatanging alumni na pinili ng mga hurado ngayong taon para sa kanilang husay sa kanilang larangan at mahalagang ambag sa komunidad. Noong 2017 unang inilunsad ng UP CMC Alumni Association ang Glory Awards, na isa ring pagbibigay pugay sa kauna-unahang dean ng kolehiyo na si Dr. Gloria Feliciano.

Samantala, tumanggap din ng nominasyon ang ABS-CBN News kamakailan lang sa The AIBs, ang awards na isinasagawa ng Association for International Broadcasting para parangalan ang pinakamahusay na mga makatotohanang palabas. Nominado ito sa kategoryang Media Freedom kahanay ang iba pang news organizations sa mundo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Team Kim Chiu, Amy Perez, at Karylle, wagi bilang Magpasikat 2021 Champion sa ‘It’s Showtime’

Sino kina Alexa Ilacad, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama ang maliligtas sa gagawing double eviction sa ‘PBB Kumunity?’