in

Megastar Sharon Cuneta mapapanood na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ngayong Biyernes

Mapapanood na sa wakas si Megastar Sharon Cuneta sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang ang bagong karakter na si Aurora ngayong Biyernes (Nobyembre 26) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

“November 26 na po ang simula ko sa FPJ’s ANG PROBINSYANO!!! Kita-kits po!!!” pag-iimbita ni Sharon sa Instagram post niya kasama ang isang video teaser para sa kanyang karakter. Ayon sa programa, babaguhin ni Aurora ang takbo ng laban ni Cardo (Coco Martin) para sa bayan.

Nag-post din ang Megastar ng mga litrato niya kasama ang co-star na si Tirso Cruz III at isa sa mga direktor ng serye na si Malu Sevilla.

“We are such a happy family here. Where has this show been all my life?!! I wish I could’ve joined sooner but what I will do is thank the good Lord for bringing this show to me and making me a part of it!!! Sana ‘di matapos ever ang show na ito! Happy na ako dito forever!!!!,” sabi ni Sharon sa kanyang post.

Napapakinggan din sa video teaser ang pinakabagong theme song ng serye na “‘Di Ka Nag-Iisa,” na kinanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong linggo, pansamantalang nagsanib-pwersa ang mga grupo nina Cardo at Mara (Julia Montes) para matakasan ang kanilang mga kalaban. Bukod kay Cardo, pinaghahanap pa rin ni Lily (Lorna Tolentino), ang first lady ng bansa, si President Oscar (Rowell Santiago) kaya naka-high alert ang mga otoridad para mahuli nila ang dalawa.

Magdadala ba ng kaayusan o kaguluhan si Aurora sa buhay ni Cardo?

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” na nanguna sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Halaga ng Mental Health, mas pinag-uusapan dahil sa ‘PBB Kumunity’

McCoy de Leon sing and dance sa ‘Yorme’