in

ABS-CBN at iQiyi, sanib-pwersa sa paggawa ng mga orihinal na seryeng Pilipino para sa mundo

Inanunsyo ng nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN at global streaming service na iQiyi ang kanilang pagsasanib-pwersa para itaguyod ang mga kwento at talento ng Pilipino sa pamamagitan ng mga orihinal na produksyong ilulunsad nila para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.

Nanguna sa naganap na pirmahan ngayong araw (Nobyembre 23) sina ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin Dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.

Kabilang sa kanilang ginagawang serye ang “Saying Goodbye,” “Hello, Heart,” at “Lyric and Beat,” na mga unang local originals ng iQiyi sa Southeast Asia.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paulo Avelino at Janine Gutierrez magpapakasal na sa ‘Marry Me, Marry You’

Halaga ng Mental Health, mas pinag-uusapan dahil sa ‘PBB Kumunity’