in

Erik Santos, may kayakap ba ngayong Pasko?

Swak para sa mga nami-miss makasama ang mga mahal nila sa buhay ngayong Pasko ang bagong Christmas single ni Erik Santos na “Paskong Kayakap Ka” mula sa Star Music ng ABS-CBN.

“Dahil sa pandemya, maraming tao tayong nami-miss at gustong makasama at mayakap na matagal na nating hindi nakikita—Kapamilya, malalapit na kaibigan, kasintahan, at mga mahal sa buhay. Ngayong darating na kapaskuhan, sino ang gusto mong kayakap?” ani Erik sa Instagram, kung saan nag-post din siya ng picture at video kasama ang pamilya niya.

Isinulat at kinompose ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang “Paskong Kayakap Ka,” na tungkol sa kagustuhan na makapiling ang mga espesyal na tao sa iyong buhay para mas maging masaya ang selebrasyon ng Pasko. Maririnig sa kanta ang soft piano instrumental na mas pinaigting ang ‘nostalgic’ mood nito.

Hindi napigilan ng netizens sa YouTube na ibahagi ang mga kwento nila at kung paano sila nakaka-relate sa kanta dahil ilang Pasko na rin nilang hindi nakakasama ang ilang mahal nila sa buhay.

“Sobra naman ‘to huhu. 8 years na palang ‘di ko kasama mother ko, another Christmas na wala siya,” comment ni Julius Daganzo.

Sabi naman ni Ricky Parco, “Pang-6th year na hindi kasama family sa Pasko. OFW from Taiwan.”

Nito lang Oktubre, inilabas ng ‘King of OPM Theme Songs’ ang bersyon niya ng worship song na “Sigaw Ng Puso” tungkol sa pagsunod sa plano ng Diyos sa kabila ng maraming unos sa buhay. Regular siyang napapanood bilang host at performer sa “ASAP Natin ‘To.”

Yakapin nang mahigpit ang mga taong mahalaga sa’yo at pakinggan ang “Paskong Kayakap Ka” ni Erik sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KZ Tandingan tampok sa New York Times Square Billboard

Reinanay mula sa Muntinlupa, kinoronahan bilang unang ‘Reina Ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina’