Bongga ang pagsalubong kay Ogie Alcasid bilang bagong miyembro ng “It’s Showtime” na nagdidiriwang na kanilang ika-12th anniversary ngayong buwan.
Naiyak si King of OPM sa ginawang pagwelcome ng hosts ng noontime show sa pangunguna ni Vice Ganda, mga Kapamilya star(s) na sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, mga anak na sina Sarah, Leila, at Nate Alcasid at asawang si Regine Velasquez.
“I just want to say God is good. Of course, last year hindi maganda yung year na yun for all of us, lalo na sa akin. Namatay yung tatay ko, but you know what,minsan may plano tayo, pero si Lord may plano pala. Lord, nilagay mo ako dito, pagsisilbihan Kita araw-araw. Pasasayahin natin ang madlang pipol dahil nilagay Niyo ako rito,” saad niya.
Pinangako naman ni Ogie na pasasayahin niya ang viewers araw-araw dahil pinili ng Diyos na ilagay siya sa programa.
“I just want to say God is good. Of course, last year hindi maganda yung year na yun from all of us lalo na sa akin namatay yung tatay ko but you know what minsan may plano tayo. Pero si Lord may plano pala, hindi dito tayo. Lord, nilagay mo ako dito pagsisilbihan kita araw-araw. Pasasayahin natin ang madlang pipol dahil nilagay niyo ako rito,” dagdag niya.
Winelcome at pinasalamatan naman ni Vice Ganda si Ogie sa pagpayag nito na makasama nila siya araw-araw.
Ani ni Vice, “Welcome, congratulations, and thank you very much na nagdesisyon ka na magsama-sama tayo araw-araw. Tulong-tulong tayo sa pagsisilbi sa madlang pipol. Ang laki ng maiibigay mo sa programa at sa mga taong pinagsisilbihan ng programang ito. Laki ng sayang dinadagdag mo sa araw-araw. Nagbigay ka ng ibang lasa.”
Kinantiyawan pa ni Regine ang asawa dahil sa pag-iyak nito. Malaking pasasalamat niya sa magandang pagwelcome kay Ogie at panatag ang loob niya na kayang-kayang sumabay si Ogie sa masayang pamilya ng “It’s Showtime.
“Noong umpisa medyo natatakot ako kasi ang liit-liit na nga nito baka apihin pa. Natutuwa ako noong pagdating niya dito and you (Vice) texted him, he was so happy. Ngayon hindi na ako natatakot kasi alam ko safe siya at nakikita ko siya sa TV,” pagbabahagi ng Asia’s Songbird.
Dagdag pa ni Regine na maipapakita ni Ogie ang husay niya sa pagpapatawa bilang host sa show.
“Kilala natin yung asawa ko bilang magaling na singer at magaling na songwriter. But it’s also part of him being a really good comedian. For a while, he was not able to do that. Parte ng buhay niya iyon, so ako lang ‘yung pinapatawa niya. Kasi yung comedy nga niya na-supress so dito good luck na lang sa inyong lahat,” sabi niya.
Maraming netizens naman ang natuwa sa balita lalo pa at natupad ang kanilang hiling na maging regular na si Ogie sa “It’s Showtime.” Nagtrending nga ang hashtag na #ShowtimeLabindalaWOAH at tagline na Ogie Perfect Paayuda at Toxic Free sa Twitter Philippines.
Nagsimula naman ang programa sa pagbubukas ng hosts ng kanilang ika-labindalawang taong selebrasyon na may titulong “It’s Showtime Labindala-WOAH!: 12 Taon Saya at Pagsasama” sa pagkanta nila ng original composition ni Vice at DJ M.O.D na “Toxic Free.”
Napanood din ngayong araw ang paglalaro ni Ogie sa “Madlang Pi-Poll” kasama ang asawang si Regine Velasquez. Sa huli, pinili nilang ibigay ang naipanalo sa mga madlang pipol. 12 mapalad na madlang pipol ang naghati-hati sa kabuuang naipanalo ng mga Alcasid at pot money na nakuha nila na nagkakahalagang P105,000 at ang dinagdag na P45,000 ng programa. Samantala, itinanghal naman si Julieann Torres bilang huling monthly winner ng “Reina ng Tahanan” si matapos makakuha ng 93% combined scores mula sa choosegados na sina Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, at Lara Quigaman-Alcaraz.
Bukod sa mga supresang ito, kaabang-abang naman ang mangyayari sa mga susunod na linggo sa “It’s Showtime.” Sa patuloy nilang pagdiriwang ng ika-labindalawa nilang taong anibersaryo, huwag palampasin ang Wildcard special ng “Reina ng Tahanan” sa Nobyembre 15 (Lunes) hanggang 19 (Biyernes) at susundan ng “Reina ng Tahanan” finals sa Nob. 20 (Sabado). Magsisimula naman ang bagong season ng “Tawag ng Tanghalan” sa Nobyembre 22 (Lunes) habang ang pinaka-iintay na “Magpasikat” ay mangyayari sa Nobyembre 27 (Sabado).
Panoorin ang “It’sShowtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.