in

Vice Ganda, nagbalik sa ‘It’s Showtime!’

Limang malalaking pasabog ang dapat abangan ng madlang pipol ngayong Nobyembre sa “It’s Showtime.” Inumpisahan na nila ito sa pagbabalik ng Unkabogable at Phenomenal star na si Vice Ganda ngayong araw (Nobyembre 8) sa programa matapos ang kanyang matagumpay na sold-out US tour.

Natanong naman si Vice kung ano ang naging pakiramdam niya nang maka-apak muli ng entablado para makapagbigay saya sa mga tao at makapag-perform muli matapos ng dalawang taon.

“Noong unang gabi nasa dressing room pa lang ako naririnig ko na yung hiwayan. Na-stress talaga ako. Humingi rin ako ng paumanhin sa kanila kasi hindi ko alam kung ano uunahin ko. Uunahin ko ba yung prinactice kong spiels o yung i-acknowledge ko lang yung nararamdaman ko for now. Naiyak talaga ako,” pagbabahagi ni Vice.

Bumuhos naman ang tweets mula sa netizens sa pagbabalik ni Vice at nagtrending nationwide sa Twitter ang taglines na Congrats Queen Vice, Welcome back ViceIon, at ang hashtag ng programa na #ShowtimeBACKlangToh.

Isa lamang ang pagbabalik ni Vice sa limang surpresang hinanda ng “It’s Showtime” para sa madlang pipol. Ilang Reinanay nga ang magbabalik para ipakita ang kanilang angking galing sa “Reina ng Tahanan” wildcard special sa Nobyembre 15 (Lunes) hanggang 19 (Biyernes). Susundan naman ito ng kauna-unahang”Reina ng Tahanan” finals sa Nobyembre 20 (Sabado).

Nagbabalik naman para sa ika-anim na season ang pinaka-mahabang singing competition sa bansa na “Tawag ng Tanghalan” sa Nobyembre 22 (Lunes). Samantala, ang pinaka-aabangan pasabog na showdown sa pagitan ng “It’s Showtime” hosts na “Magpasikat” ay mangyayari naman sa Nobyembre 27 (Sabado).

Panoorin ang “It’sShowtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mang Tani, balik ‘Unang Hirit’ at ’24 Oras’ na!

Showbiz comeback ng kilalang aktor sa Kapuso Network, tinututukan ng netizens